Lumalawak na militarisasyon sa Pilipinas, ikinababahala

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,256 total reads

Nababahala ang ‘SENTRO ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa’ at women’s organization na ‘Coalition Against Trafficking in Women–Asia Pacific’ o CATW-AP sa lumalawak na militarization sa bansa kasunod ng mga missile deployment at war exercises ng Pilipinas kasama ang Estados Unidos at Japan.

Ayon sa mga grupo, mapanganib ang pagpapalawak ng mga katulad nakakabahala na military activities kabilang ang pagdaraos ng nga anti-ship missiles at deployments ng advanced missile systems sa Northern Luzon na bahagi ng Balikatan Exercises 2026 dahil mas inilalapit nito ang Pilipinas sa tensyon sa pagitan ng malalaking bansa sa mundo.

Ayon kay SENTRO Secretary General Josua Mata na sa gitna ng nararanasang kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga bilihin, contractualization at iba pang suliraning panlipunan ay hindi dapat unahin ng pamahalaan ang pagpapalawak ng sandatahang lakas kung saan binigyang-diin din na mas mahalaga para sa mga manggagawa ang trabaho, sapat na sahod, serbisyong panlipunan at climate resilience.

““At a time when workers are suffering from unemployment, soaring prices, contractualization, and worsening social insecurity, it is unacceptable that the country is being pushed further into a regional arms buildup,” said Josua Mata, Secretary General of Sentro mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SENTRO). “The Filipino working class must not become cannon fodder in an inter-imperialist rivalry that serves neither our sovereignty nor our people’s welfare,” ayon sa mensahe ni Mata na pindala ng SENTRO sa Radyo Veritas.

Nagbabala rin si Jean Enriquez ng CATW-AP na may kaakibat na panganib para sa kababaihan at mga bata ang militarisasyon kabilang ang trafficking, sexual exploitation, displacement at iba pang anyo ng karahasan sa mga komunidad na naaapektuhan ng tensyon militar.

Iginiit ng mga grupo na bagama’t mahalagang ipagtanggol ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea ay hindi dapat mauwi ito sa higit pang military escalation o gawing sentro ng digmaan ang Pilipinas, nanawagan din ang mga ito para sa mas malinaw na transparency at accountability sa mga kasunduan at deployment ng dayuhang militar sa bansa.

“The West Philippine Sea must not become a missile theater for escalating geopolitical conflict,” the groups said. “We reiterate the call for the demilitarization of the West Philippine Sea and the broader region, and oppose military escalation by all major powers,” ayon naman sa mensahe ni Enriquez na pinadala ng SENTRO sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, patuloy namang isinusulong ng Simbahang Katolika ang kahalagahan ng kapayapaan, dignidad ng tao at dayalogo bilang pangunahing landas sa pagresolba ng mga sigalot, alinsunod sa panawagan ni Pope Leo XIV na pairalin ang pagkakaisa at makataong seguridad sa gitna ng pandaigdigang tensyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 3,601 total reads

 3,601 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 76,686 total reads

 76,686 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 163,185 total reads

 163,185 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 206,220 total reads

 206,220 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 255,813 total reads

 255,813 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top