SAC-Legazpi, patuloy ang paghahatid ng tulong sa mga naapektuhan ng bulkang Mayon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,963 total reads

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng Social Action Center ng Diocese of Legazpi sa mga residenteng naapektuhan ng pagliligalig ng Bulkang Mayon, habang isinailalim naman sa state of calamity ang walong lungsod at bayan sa Albay.

Nagsagawa ang SAC-Legazpi ng community relief operation sa Tagaytay Elementary School na kasalukuyang nagsisilbing evacuation center para sa mga pamilya mula sa Barangay Anoling sa Camalig.

Ayon sa social action arm ng diyosesis, umabot sa 124 pamilya o 435 indibidwal ang nabigyan ng pagkain, face masks, inuming tubig, at hygiene kits sa isinagawang relief mission.

Nagpasalamat din ang simbahan sa mga donor, volunteers, parish workers, barangay health workers, at iba pang katuwang na agad na tumugon sa panawagan para sa mga nagsilikas.

“As Mayon continues to affect communities in Albay, we remain committed to reaching more families in need,” ayon sa SAC Legazpi.

Hinikayat naman ng SAC Legazpi ang publiko na patuloy na makiisa sa pagtulong sa mga apektadong pamilya sa pamamagitan ng cash donations sa GCash account ni Legazpi SAC Director, Fr. Eric Martilliano sa 0995-749-6571, o sa BPI account na Social Action Center-SPM, sa account number na 0851-0067-37.

Maaari ring maghatid ng in-kind donations sa tanggapan ng SAC-Legazpi sa Cathedral Compound sa Legazpi City.

Samantala, sa bisa ng Provincial Resolution, isinailalim sa state of calamity ang mga lungsod ng Legazpi, Tabaco, at Ligao, gayundin ang mga bayan ng Santo Domingo, Malilipot, Daraga, Guinobatan, at Camalig upang mapabilis ang disaster response at rehabilitation efforts.

Sa ilalim ng deklarasyon, maaari nang gamitin ng mga apektadong local government units ang kanilang Quick Response Fund at magpatupad ng price control measures at iba pang kinakailangang hakbang para sa mga apektadadong komunidad.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 5,234 total reads

 5,234 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 78,212 total reads

 78,212 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 164,711 total reads

 164,711 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 207,746 total reads

 207,746 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 257,244 total reads

 257,244 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,077 total reads

 193,077 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top