D1L Movement kontra political dynasty, itinatag

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,365 total reads

Isang panibagong malawakang kilusan ang nakatakdang ilunsad na naglalayong ipasa ang isang tunay na batas laban sa political dynasty sa bansa.

Nakatakda ang media launch ng Dapat Isa Lang o D1L Movement sa Mayo 8, 2026 mula alas-10 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Obispado de Cubao.

Layunin ng kilusan na itulak ang pagpapatibay ng isang “genuine anti-political dynasty law” sa pamamagitan ng People’s Initiative, na isang paraang nagbibigay-daan sa mamamayan na direktang makapagpanukala ng batas.

Ayon sa grupo, ilalahad sa pagtitipon ang kanilang mga plano, katuwang na organisasyon, at kampanya upang makalikom ng suporta para sa panukala.

Binigyang-diin ng kilusan na layunin nitong tugunan ang matagal nang panawagan para sa reporma at pananagutan sa pamahalaan.

Dagdag pa ng Dapat Isa Lang o D1L Movement, layunin nitong tiyakin ang pantay na pagkakataon ng bawat mamamayan na makapagsilbi sa pamahalaan.

“D1L champions the passage of a long overdue law prohibiting political dynasties and guaranteeing equal access to opportunities for public service by providing the definition of political dynasties together with clear enforcement procedures. D1L will pass the people’s version of the law via People’s Initiative, which is a Constitutionally vested power to pass a law directly instead of going through Congress.” Bahagi ng mensahe ng D1L Movement.

Isasapubliko rin sa gawain ang manifesto na pirmado ng iba’t ibang sektor kabilang ang civil society, business, educational at faith-based groups.

Kabilang sa mga inaasahang dadalo ang ilang kilalang personalidad tulad nina D1L Spokesperson Atty. Carlo Africa; Former Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio; Former Commission on Elections Commissioner Luie Guia; Kontra Dinastiya founder Atty. Alex Lacson; Peoples Initiative Coalition Against Dynasties Petitioner Atty. Eirene Aguila; Clergy for Good Governance Convenor Fr. Robert Reyes; at Simbahang Lingkod ng Bayan Executive Director Mr. Karlo Abadines.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ilawan ang katotohanan

 13,405 total reads

 13,405 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 73,903 total reads

 73,903 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 95,512 total reads

 95,512 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

PAANO GINASTOS ANG PERA

 176,167 total reads

 176,167 total reads Kapanalig sa 15 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, hindi pa rin nabubutasan o napahina ng depensa ang prosecution theory at

Read More »

Karagatan para kanino?

 277,173 total reads

 277,173 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top