Pananagutan sa sunog sa Navotas landfill, panawagan ng PMPI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,521 total reads

Nanawagan ang Philippine Misereor Partnership Inc. ng pananagutan at mas mahigpit na pagtugon kasunod ng naganap na sunog sa Navotas Sanitary Landfill.

Ayon sa PMPI, sumasalamin ang insidente sa matagal nang kakulangan sa maayos na pamamahala at mahinang pagpapatupad ng mga polisiya sa operasyon ng landfill.

Ikinabahala ng grupo ang makapal at nakalalasong usok na umabot sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila, na nagdulot ng panganib sa kalusugan ng mga komunidad at maging ng mga biyaherong dumaraan sa pangunahing lansangan.

“Commuters have reported dense, pungent air along major corridors such as the Skyway toward Pasay, while local governments have issued warnings that air quality has reached very unhealthy to emergency levels,” pahayag ng PMPI.

Iginiit ng PMPI na ang patuloy na pagbuga ng mapanganib na emisyon mula sa landfill ay hindi lamang usaping teknikal, kundi paglabag sa karapatan ng mamamayan sa isang malinis, ligtas, at balanseng kapaligiran.

Binigyang-diin din ng organisasyon na ipinapakita ng insidente ang mga suliraning nais tugunan ng panukalang Ecocide Prevention Act, kabilang ang hindi agarang pagtugon sa mga panganib, mahinang pagpapatupad ng batas, pagpapabaya sa mga umiiral na banta, at paglalagay sa mga komunidad sa panganib ng nakalalasong polusyon.

“Accountability must therefore extend beyond landfill operators to the institutions that permit these dangerous conditions to exist. The public deserves protection and assurance that environmental hazards are neither minimized nor normalized,” ayon sa PMPI.

Dahil dito, nanawagan ang PMPI ng isang malinaw at bukas na imbestigasyon, agarang proteksyon para sa mga apektadong residente, at kabuuang pagrepaso sa pamamahala ng landfill at mga emergency system sa bansa.

Nanindigan ang grupo na hindi dapat maging normal ang ganitong mga insidente dahil bawat pagwawalang-bahala sa pinsalang pangkalikasan ay naglalagay sa buhay, kalusugan, at kinabukasan ng mga komunidad sa mas malaking panganib.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 7,017 total reads

 7,017 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 79,803 total reads

 79,803 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 166,302 total reads

 166,302 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 209,337 total reads

 209,337 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 258,749 total reads

 258,749 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,144 total reads

 193,144 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top