Filipino at katutubong wika, gagamitin ng CCC at KWF sa climate change information drive

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,701 total reads

Nagkasundo ang Climate Change Commission (CCC) at Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na palawakin ang paggamit ng Filipino at iba’t ibang katutubong wika sa pagpapalaganap ng impormasyon hinggil sa climate change.

Nilagdaan ng dalawang ahensya ang isang Memorandum of Understanding (MOU) upang gawing mas malinaw, mas madaling maunawaan, at mas abot ng mga komunidad ang usapin ng krisis sa klima.

Ayon kay CCC Vice Chairperson at Executive Director Robert E.A. Borje, mahalagang katuwang ng komisyon ang KWF sa pagsusulong ng mga hakbang at pagpapalawak ng kaalaman hinggil sa pagbabago ng klima at pangangalaga ng kalikasan.

Binigyang-diin ni Borje na bagamat unibersal ang datos at siyensya ng climate change, kinakailangang maipaliwanag ito sa paraang lokal, inklusibo, at nauunawaan ng mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

“Ang ganitong teknikal na dokumento ay nangangailangan ng koordinasyon sa inyong institusyon upang masiguro na napapanatili nito ang linguistic inclusivity. Dito nagtatagpo ang dalawang tungkulin: ang CCC sa pagbibigay-linaw sa panganib at direksyon ng patakaran, at ang KWF sa pagtiyak na ito ay nauunawaan at nagiging bahagi ng buhay ng bawat Pilipino,” pahayag ni Borje.

Sinabi naman ni KWF Chairperson Atty. Marites A. Barrios-Taran na mahalagang magamit ang wika bilang instrumento upang maihatid sa mamamayan ang mahahalagang impormasyon, kabilang ang usapin ng kalikasan at pagbabago ng klima.

“Ang ating wika ay dapat na nagsisilbi sa tao. Ang Komisyon sa Wikang Filipino ay itinatag hindi lamang upang maging bantay ng balarila o tagasuri ng mga salita; ang ating serbisyo ay kailangang nakararating sa mga mamamayan,” ayon kay Barrios-Taran.

Kabilang sa pagtutulungan ng CCC at KWF ang pagbuo ng communication materials, capacity-building activities, at mga kampanyang gumagamit ng siyentipikong datos na maisasalin sa pambansa at rehiyonal na mga wika.

Bahagi rin ito ng whole-of-government approach ng pamahalaan upang mapalakas ang kahandaan at katatagan ng bansa laban sa lumalalang epekto ng climate change.

Kaakibat naman ito ng mensahe ni Pope Francis sa Laudato Si’ at Laudate Deum na mahalagang maipaabot sa bawat pamayanan ang usapin ng climate change upang sama-samang mapangalagaan ang kalikasan at kinabukasan ng susunod na henerasyon.

Voters registration, binuksan ng COMELEC

 537 total reads

 537 total reads Muling binuksan ng Commission on Elections (COMELEC) ang walong-buwang voter registration period bilang paghahanda sa 2028 national and local elections, kung saan inaasahang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 8,896 total reads

 8,896 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 81,536 total reads

 81,536 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 168,035 total reads

 168,035 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 211,071 total reads

 211,071 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 260,403 total reads

 260,403 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 193,215 total reads

 193,215 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top