ANG KAPAYAPAAN PAGKATAPOS NG UNOS

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,179 total reads

Ang Mabuting Balita, 26 Oktubre 2023 – Lucas 12: 49-53
ANG KAPAYAPAAN PAGKATAPOS NG UNOS
Noong panahong iyon, sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa – at sana’y napagningas na ito! May isang binyag pa na dapat kong tanggapin, at nababagabag ako hangga’t hindi natutupad ito! Akala ba ninyo’y pumarito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo: hindi kapayapaan kundi pagkakabaha-bahagi. Mula ngayon, ang limang katao sa isang sambahayan ay mababahagi: tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo. Maglalaban-laban ang ama at ang anak na lalaki, ang ina at ang anak na babae, at gayun din ang biyenang babae, at manugang na babae.”
————
Si Jesus ay ipinadala ng Ama sa mundo upang maghatid ng kaligtasan. Sapagkat tumagos ang kasamaan sa apat na sulok ng mundo, ang gawain o misyon ni Jesus ay nangailangan ng KATAPANGAN na banggain ang mga umiiral na nakagawian ng kanyang mga kababayan na labag sa mga Utos ng Diyos. Kinailangan niyang magpalayas ng mga demonyo at makihalubilo sa mga kilalang makasalanan. Kinailangan niyang magbigay ng labis na oras sa pagpapagaling ng mga maysakit at sa pagbigay ng pag-asa sa mga taong naghihikahos. Ang kanyang mga itinuro at ginawa sa kanyang ministri ay nagpagalit ng mga eskriba, Pariseo at mga punong sacerdote na nagmamalaki bilang mga dalubhasa sa Batas ni Moises.
Hindi kataka-taka kung ang mga turo ni Jesus ay nagdala ng pagkakabaha-bahagi sa loob ng isang pamilya kung saan may mga miyembrong sumunod sa kanyang yapak at may mga miyembrong ayaw sumunod. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga ng Apostolado ng Pamilya sa Simbahan. Kapag si Jesus ay nasa sentro ng pamilya, laging magkakaroon ng kapayapaan sa gitna ng mga suliranin at kahirapan. LAGING SI JESUS ANG KAPAYAPAAN PAGKATAPOS NG UNOS.
Panalangin namin, Panginoon, na dumami ang mga pamilya na maglalagay sa iyo sa sentro ng kanilang buhay!

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 14,585 total reads

 14,585 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 72,889 total reads

 72,889 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 158,256 total reads

 158,256 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 204,992 total reads

 204,992 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 252,863 total reads

 252,863 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 353,275 total reads

 353,275 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

LOVING OFFERING

 2,177 total reads

 2,177 total reads Gospel Reading for October 25, 2026 – Matthew 22: 34-40 LOVING OFFERING When the Pharisees heard that Jesus had silenced the Sadducees, they

Read More »

IT IS NEVER TOO LATE.

 7,836 total reads

 7,836 total reads Gospel Reading for October 24, 2026 – Luke 13: 1-9 IT IS NEVER TOO LATE. Some people told Jesus about the Galileans whose

Read More »

RENDERED USELESS

 7,577 total reads

 7,577 total reads Gospel Reading for October 23, 2026 – Luke 12: 54-59 RENDERED USELESS Jesus said to the crowds, “When you see a cloud rising

Read More »

INEVITABLE

 14,936 total reads

 14,936 total reads Gospel Reading for October 22, 2026 – Luke 12: 49-53 INEVITABLE Jesus said to his disciples: “I have come to set the earth

Read More »
Scroll to Top