‘GomBurZa’ sa 2023 MMFF, isang pagkakataon ng ebanghelisasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 39,937 total views

Hinikayat ng Jesuit Communications ang publiko na tangkilikin ang pelikulang GomBurZa na kabilang sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023.

Ayon kay Jesuit Communications (JesCom) Executive Director at GomBurZa Executive Producer Fr.Nono Alfonso, SJ ang pagkakapabilang ng pelikula sa 49th MMFF ay isang pagkakataon upang maipamalas sa mas maraming manunuod ang mensahe ng ebanghelyo sa pamamagitan ng buhay pananampalataya at paninindigan para sa bayan ng tatlong Pilipinong paring martir na sina Mariano Gomes, Jose Burgos, at Jacinto Zamora.

Kabilang sa layunin ng pelikula ayon pa kay Fr. Alfonzo na mapalalim ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa mahalagang tungkuling ginampanan ng simbahan sa kasaysayan ng Pilipinas, gayundin ang pagiging makabayan ng mga Pilipino.

“Dito po sa Pilipinas plinano namin ito mga 8 years ago ang pinakamalaking kumbaga, media platform when it comes to films ay walang iba kundi yung Metro Manila Film Fest for 2-weeks walang ibang papanuorin yung mga Pilipino kundi ito lamang yung mga pelikulang Pilipino, that’s why we were so happy na nakasama kami because we have 2-weeks to evangelized the whole country about the martyrdom and the important role of the Catholic Church sa kasaysayan po ng Pilipinas,” ang bahagi ng pahayag ni Fr. Alfonso sa Radio Veritas.

Paliwanag ng Pari, napapanahon din ang pangunahing mensahe ng pelikula na paninindigan sa katotohanan sa lipunan kung saan tila nauulit lamang ang dinanas na paninira at maling paratang ng tatlong paring martir sa kasalukuyang panahon na talamak ang pagkalat ng fake news at red-tagging.

“’Yung tatlong Pari sila ay naparatangan kumbaga na-fake news sila, na-red-tagged sila and so on, samantalang napakadalisay po nitong tatlong paring ito at nauulit ito ngayon so para po sa akin ang pinakamensahe ng pelikulang ito na manindigan tayo para sa totoo.” Dagdag pa ni Fr. Alfonso.

Ang ‘GomBurZa’ ay isang daglat o pinagsama-samang mga bahagi ng apelido ng tatlong martir na paring Pilipino na binitay ng mga Kastila sa pamamagitan ng garote noong ika-17 ng Pebrero taong 1872 dahil sa mga paratang ng pagpapatalsik sa pamahalaan na nagdulot ng pag-aalsa sa Cavite noong 1872.
Ang historical film na GomBurZa ay gawa ng Jesuit Communications (JesCom) at MQuest Ventures sa pakikipagtulungan ng CMB Film Services.

Ang pelikula ay sa ilalim ng direksyon ni Pepe Diokno, tampok sina Dante Rivero bilang Padre Mariano Gomes, Cedrick Juan bilang Padre Jose Burgos, at Enchong Dee bilang Padre Jacinto Zamora; magkakaroon naman ng espesyal na pagganap sa pelikula si Piolo Pascual bilang Padre Pedro Pelaez na siyang nagsilbing guro ni Padre Jose Burgos.

Mapapanood ang GomBurZa sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga sinehan sa buong bansa simula sa December 25 hanggang sa January 7, 2024.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 31,535 total views

 31,535 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 54,687 total views

 54,687 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 124,801 total views

 124,801 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 199,415 total views

 199,415 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 277,150 total views

 277,150 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 5,455 total views

 5,455 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top