MIYERKULES, DISYEMBRE 6, 2023

SHARE THE TRUTH

 7,181 total reads

Miyerkules ng Unang Linggo sa Panahon ng Pagdating ng Panginoon

o kaya Paggunita kay San Nicolas, obispo

Isaias 25, 6-10a
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Mateo 15, 29-37

Wednesday of the First Week of Advent (Violet)

or Optional Memorial of St. Nicholas, Bishop (White)

UNANG PAGBASA
Isaias 25, 6-10a

Pagbasa mula sa aklat ni propeta Isaias

Sa araw na iyon:
sa Bundok ng Sion,
aanyayahan ng Panginoon ang lahat ng bansa,
gagawa siya ng isang piging para sa lahat
na ang handa’y masasarap na pagkain at inumin.
Sa bundok ding ito’y papawiin niya ang kalungkutang
naghahari sa lahat ng bansa.
Lubusan na niyang papawiin ang kamatayan,
papahirin ng Panginoon ang luha ng lahat;
aalisin niya sa kahihiyan ang kanyang bayan.
Kung magkagayon, sasabihin ng lahat:
“Siya ang ating Diyos na ating pinagtitiwalaan,
ang inaasahan nating magliligtas sa atin;
magalak tayo at ipagdiwang ang kanyang pagliligtas.”
Iingatan ng Diyos ang bundok na ito.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 22, 1-3a. 3b-4. 5. 6

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Panginoo’y aking Pastol, hindi ako magkukulang.
Ako’y pinahihimlay sa mainam na pastulan,
at inaakay niya ako sa tahimik na batisan,
binibigyan niya ako niyong bagong kalakasan.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

At sang-ayon sa pangako na kaniyang binitiwan
sa matuwid na landisa’y doon ako inaakay.
Kahit na ang daang iyo’y tumatahak sa karimlan,
hindi ako matatakot pagkat ika’y kaagapay;
ang tungkod mo at pamalo ang gabay ko at sanggalang.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Sa harapan ng lingkod mo, ikaw ay may handang dulang,
ito’y iyong ginagawang nakikita ng kaaway;
Nalulugod ka sa akin na ulo ko ay langisan
at pati na ang kalis ko ay iyong pinaaapaw.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

Tunay na ang pag-ibig mo at ang iyong kabutihan,
sasaaki’t tataglayin habang ako’y nabubuhay;
doon ako sa templo mo lalagi at mananahan.

Lagi akong mananahan
sa bahay ng Poong mahal.

ALELUYA

Aleluya! Aleluya!
Panginoong nagliligtas
sa ati’y darating tiyak
mapalad syang makaharap.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Mateo 15, 29-37

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo

Noong panahong iyon, nagbalik si Hesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At siya’y umahon sa burol at naupo. Nagdatingan ang napakaraming tao na may dalang mga pilay, bulag, pingkaw, pipi, at marami pang iba. Inilagay nila ang mga maysakit sa harapan ni Hesus at kanyang pinagaling sila. Namangha ang mga tao nang makita nilang nagsasalita na ang mga pipi, gumaling na ang mga pingkaw, nakalalakad na ang mga pilay, at nakakikita na ang mga bulag. At nagpuri sila sa Diyos ng Israel.

Tinawag ni Hesus ang kanyang mga alagad at sinabi, “Nahahabag ako sa mga taong ito, sapagkat tatlong araw na ngayong kasama ko sila at wala na silang makain. Hindi ko ibig na sila’y paalising gutom; baka sila mahilo sa daan.” At sinabi ng mga alagad, “Saan po tayo kukuha rito ng tinapay na makasasapat sa gayong karaming tao?” “Ilan ang tinapay ninyo riyan?” tanong ni Hesus sa kanila. “Pito po,” sagot nila, “at ilang maliliit na isda.” Ang mga tao’y pinaupo ni Hesus sa lupa. Kinuha niya ang pitong tinapay at ang mga isda at nagpapasalamat sa Diyos. Pagkatapos, pinagpira-piraso niya ang mga iyon at ibinigay sa mga alagad para ipamahagi sa mga tao. Kumain ang lahat at nabusog; at nang tipunin nila ang mga tinapay na lumabis, nakapuno sila ng pitong bakol na malalaki.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Unang Linggo ng Adbiyento
Miyerkules

Sa himala ng pagpapakain ng limanlibong tao, ipinakikita ng Panginoon na ibibigay sa atin ng Ama ang lahat ng ating kailangan. Hingin natin sa kanya ang lahat ng biyayang maipagkakaloob niya sa atin.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Diyos na nagbibigay sa amin ng lahat, pagpalain mo kami.

Ang mga paring nag-aakay sa atin nawa’y patuloy tayong busugin ng epiritwal na pagkaing nagmumula sa Hapag ng Panginoon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga pinuno ng pamahalaan nawa’y makahanap ng mga paraan upang matugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap natin kapatid, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdaranas ng epiritwal na pagkagutom nawa’y matagpuan si Kristo sa kanilang buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagkakatipon dito nawa’y ibigin si Kristo sa Eukaristiya bilang paghahandog niya ng sarili sa maraming tao, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang lahat ng yumao nawa’y makasalo sa piging sa Kaharian ng Diyos, manalangin tayo sa Panginoon.

Ama naming makapangyarihan, ibinigay mo sa amin ang tinapay mula sa Langit bilang pagkain para sa aming paglalakbay dito sa lupa. Gabayan mo ang aming mga hakbang patungo sa katarungan at kapayapaan. Idinadalangin namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Amen.

OMNISCIENT

 292 total reads

Gospel Reading for October 08, 2026 – Luke 11: 5-13

OMNISCIENT

Jesus said to his disciples: “Suppose one of you has a friend to whom he goes at midnight and says, ‘Friend, lend me three loaves of bread, for a friend of mine has arrived at my house from a journey and I have nothing to offer him,’ and he says in reply from within, ‘Do not bother me; the door has already been locked and my children and I are already in bed. I cannot get up to give you anything.’ I tell you, if he does not get up to give him the loaves because of their friendship, he will get up to give him whatever he needs because of his persistence.

“And I tell you, ask and you will receive; seek and you will find; knock and the door will be opened to you. For everyone who asks, receives; and the one who seeks, finds; and to the one who knocks, the door will be opened. What father among you would hand his son a snake when he asks for a fish? Or hand him a scorpion when he asks for an egg? If you then, who are wicked, know how to give good gifts to your children, how much more will the Father in heaven give the Holy Spirit to those who ask him?”

————

Prayer has to go with Faith and Trust. Otherwise, if what we ask for does not come according to our timeline, we may start thinking that our prayers are not being heard and that it is useless to keep on praying.

When we pray with true Faith in God, we are sure that he will answer our prayers at the right time and in the right way. God is OMNISCIENT; hence, we have to learn to trust him.

A lot of us have realized that our prayers were answered only when we looked back and saw how our lives and circumstances unfolded—not the way we wanted, but in the way that was best for us.

Lord, may we always put our trust in you!

Bewitched

 727 total reads

Lord My Chef Daily Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thursday, Twenty-Seventh Week in Ordinary Time, Year II, 08 October 2026
Galatians 3:1-5     ><))))*> + ><))))*> + ><))))*>     Luke 11:5-13
Photo by Mr. Raffy Tima, GMA News, Batanes, October 2018.
Your words today,
O Lord through St. Paul
speak directly to us in this
time too:

O stupid Galatians! Who has bewitched you, before whose eyes Jesus was publicly portrayed as crucified? (Galatians 3:1)

O how we your people
hate to hear those words
these days because they are
hurtfully true -
it is plain stupidity
on our part to abandon all
your teachings to adopt 
all these strange ideas
about life that overstretch
our rights without any regard
to what is true and good;
to insist that only matter matters
without accepting the fact that
the most profound realities in life
are those felt than seen; and,
to believe more in ourselves
than in you, Lord Jesus Christ.
We have been so bewitched,
enthralled, and amazed by new 
ideas and beliefs that are clearly
self-serving and untrue,
"budol" or fake in every sense,
totally forgetting how you have never
left nor abandon us all these years
through thick and thin,
doing only what is best and good
for us only to follow the fascinating
special effects of those trash
peddled in social media, 
fabricated by AI.
Awaken us,
dear Jesus to the realities
of your loving presence
in us, in our lives,
to follow our hearts where
we find peace and joy
despite pains and sacrifices
than follow our flesh 
and whims
of pleasures and convenience
so temporary,
ephemeral,
most of all
superficial;
ignite our hearts
to seek and follow you
in a life of prayer
that changes primarily 
us, not the situations.
Amen.
Photo by a friend at Seabrook, Washington, 06 September 2026.

BRIDGING THE GAP

 1,660 total reads

Gospel Reading for October 07, 2026 – Luke 11: 1-4

BRIDGING THE GAP

Jesus was praying in a certain place, and when he had finished, one of his disciples said to him, “Lord, teach us to pray just as John taught his disciples.” He said to them, “When you pray, say:

Father, hallowed be your name, your Kingdom come. Give us each day our daily bread and forgive us our sins for we ourselves forgive everyone in debt to us, and do not subject us to the final test.”

————

In this Gospel reading, Jesus teaches us the elements of prayer. We must first recognize whom we are supplicating: the Father. He is not just an ordinary father because he is the Father above all fathers. He is holy, and he has a Kingdom that is not only in heaven but is already on earth. Because he is the Father, he is our provider; hence, we ask him to grant us our needs.
But it is not enough to ask for our temporal needs. We need to ask him to forgive us for our wrongdoings. We must also be willing to forgive those who have wronged us. Finally, we ask him to protect us from all the tests of the evil one.

It is good that the disciples asked Jesus to teach them how to pray. We now benefit from Jesus’ lesson on prayer.

Lord Jesus, thank you for BRIDGING THE GAP created by sin between God and ourselves. Thank you for teaching us to communicate with him. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 219,915 total reads

 219,915 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 251,646 total reads

 251,646 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 353,470 total reads

 353,470 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 394,031 total reads

 394,031 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 405,915 total reads

 405,915 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Oktubre 10, 2026

 917 total reads

 917 total reads Sabado ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Galacia 3, 22-29 Salmo 104, 2-3.

Read More »

Biyernes, Oktubre 9, 2026

 2,575 total reads

 2,575 total reads Biyernes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kina San Dionisio, obispo, at mga Kasama, mga martir o kaya Paggunita kay San

Read More »

Huwebes, Oktubre 8, 2026

 4,273 total reads

 4,273 total reads Huwebes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Galacia 3, 1-5 Lucas 1, 69-70. 71-72. 73-75 Poong Diyos ay purihin, nilingap n’ya ang

Read More »

Miyerkules, Oktubre 7, 2026

 5,661 total reads

 5,661 total reads Paggunita sa Mahal na Birheng Maria ng Rosario Galacia 2, 1-2. 7-14 Salmo 116, 1. 2 Humayo’t dalhin sa tanan Mabuting Balitang aral.

Read More »

Martes, Oktubre 6, 2026

 6,696 total reads

 6,696 total reads Martes ng Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Bruno, pari Galacia 1, 13-24 Salmo 138, 1-3. 13-14ab. 14k-15 Poon,

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top