Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

“Maging liwanag sa lipunan,”-Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

 33,747 total views

Hinimok ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na maging liwanag sa lipunang nababalot ng dilim ng pangamba at kahirapan.

Ito ang mensahe ng arsobispo sa unang araw ng Misa de Gallo na kanyang pinangunahan sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral.

Batid ni Cardinal Advincula ang mamamayang labis ang pinagdadaanan bunsod ng karamdaman, kawalang sapat na pagkakitaan, kagutuman, kahirapan at iba pang hamon ng buhay.

“Maging liwanag sána tayo na nagbibigay ng pag-asa at lakas ng loob sa ating kapwa,” bahagi ng mensahe ni Cardinal Advincula.

Sinabi ng cardinal nawa’y tulad ni Juan Bautista bawat isa ay maging ningas sa dumidilim na lipunan.

“Sa lipúnang madilim dahil sa walang katarungan, maraming inaapi at pinagsasamantalahan, . . . maraming baluktot na gawain at patakaran, maging liwanag sana tayo sa pagsisikap na mabuhay ng mabuti, makatarúngan, at matuwid,” ani ng cardinal.

Ayon pa kay Cardinal Advincula kahit sa payak na pamamaraan ay maipakita ng tao sa kapwa ang pagmamalasakit tulad ng pagkilala, pagpapalakas ng loob at pagngiti ay mapagniningas ang diwa upang magkaroon ng pag-asa.

Umaasa rin ang asobispo na maging masigasig ang mananampalataya na kumpletuhin ang pagdalo sa Simbang Gabi at Misa de Gallo upang samahan ang Mahal na Birheng maglalakbay sa pagsilang kay Hesus na tagapagdala ng liwanag at kapayapaan sa sanlibutan.

Kasama ng cardinal sa misa si Cathedral Rector Msgr. Rolando dela Cruz, Vice Rector Fr. Vicente Gabriel Bautista at Fr. Mico Dellera.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PORK BARREL

 76,864 total views

 76,864 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 89,404 total views

 89,404 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 111,786 total views

 111,786 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Aktibismo, red tagging, at ang kalikasan

 131,183 total views

 131,183 total views Mga Kapanalig, hindi lamang ang mga aktibista ang napapahamak sa red-tagging o ang pag-uugnay sa kanila sa mga itinuturing na kalaban ng estado.

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Norman Dequia

“Not in Pangasinan. Not Anywhere Else!”

 25,293 total views

 25,293 total views Mariing tinutulan ng mga obispo ng Metropolitan of Lingayen–Dagupan ang planong pagtatayo ng isang nuclear power plant sa Western Pangasinan, na sakop ng

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top