Ruel Ucat, humingi ng kapatawaran kay Archbishop Cabantan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,408 total reads

Humingi ng paumanhin si Ruel Ucat kay Archbishop Jose Cabantan at sa mga mananampalataya ng Archdiocese of Cagayan de Oro matapos ang kontrobersiyang pagpapakilala nitong pari kahit walang clerical authority sa alinmang ecclesiastical jurisdiction sa bansa.

Nauna nang nagbabala ang arkidiyosesis laban kay Ucat at hinimok ang publiko na maging mapanuri sa mga nagpapakilalang lingkod ng Simbahan.

Sa panibagong pahayag ng arkidiyosesis, sinabi nitong personal na nakipagpulong si Ucat kay Archbishop Cabantan at nagpahayag ng pagsisisi at hangaring makabalik sa Simbahang Katolika.

“Mr. Ruel Ucat has earnestly sought forgiveness for his past actions and expressed sincere repentance,” ayon sa pahayag.

Ayon pa sa arkidiyosesis, pormal nang tumiwalag si Ucat sa dating denominasyon nito at nais nang ganap na makabalik sa pakikipagkaisa sa Simbahang Katolika bilang isang layko.

“Mr. Ucat has formally resigned from his previous denomination. He now desires to return to the full communion of the Roman Catholic Church as a layperson,” dagdag pa nito.

Sinabi rin ng arkidiyosesis na layunin ni Ucat na muling pagtibayin ang kanyang pananampalataya at katapatan sa mga aral ng Simbahan.

“In doing so, he seeks to renew his faith and reaffirm his commitment to the Church and its teachings.”

Muli namang pinaalalahanan ng Simbahan ang mga mananampalataya na maging mapagmatyag sa mga nagpapanggap na pari o lingkod ng Simbahan at tiyaking beripikado ang clerical status ng mga ito, lalo na sa mga gawaing isinasagawa sa labas ng mga parokya at diyosesis.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 10,771 total reads

 10,771 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 193,158 total reads

 193,158 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 224,890 total reads

 224,890 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 326,713 total reads

 326,713 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 367,270 total reads

 367,270 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 380,012 total reads

 380,012 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top