Debosyon sa Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje, inihalintulad ni Bishop Gaa sa isang galleon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,731 total reads

Itinampok ng Parokya de Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje sa Balara, Quezon City, ang paglalakbay ng pamayanan tungo sa pagtatatag ng permanenteng tahanan ng kanilang patrona matapos ang mahigit isang dekadang pananatili sa kasalukuyang dambana.

Ayon kay Fr. Joseph Buslon, kura paroko ng parokya, matagal nang pangarap ng pamayanan na magkaroon ng sariling simbahan upang higit pang mapalawak ang paglilingkod sa komunidad.

“Talagang nararapat na magkaroon ng permanenteng tahanan ang Mahal na Inang Nuestra upang mas makapaglingkod nang mas malawak sa mga nasasakupan,” pahayag ni Fr. Buslon sa Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ng pari na kabilang sa pangunahing proyekto ng parokya ang pagbili ng lupa at pagpapatayo ng permanenteng simbahan, pastoral center, at columbarium kasabay ng patuloy na pagpapatupad ng mga programa tulad ng educational assistance, feeding program, at medical missions.

Kaugnay nito, humiling ng panalangin at suporta ang pari para maisakatuparan ang planong pagtatayo ng simbahan sa nasabing komunidad.

“Ang inyong dasal ay malaking bagay na maitutulong para maisakatuparan. Pero higit sa lahat, siyempre ang inyong tulong, lalo na sa pagbibigay ng donasyon, ay napakahalaga sa pagbili ng lupa at pagtatayo ng permanenteng luklukan ng Mahal na Ina, Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Balara,” dagdag pa ni Fr. Buslon.

Kinilala rin ni Fr. Buslon ang nagkakaisang komunidad, lalo na ang mga Basic Ecclesial Community (BEC) na aktibo ring katuwang ng parokya sa pagsusulong ng mga programang pampastoral at pang-espirituwal.

Sa kanyang homiliya, inihalintulad naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang paglalakbay ng parokya sa isang galyon na naghahanap ng madadaungan habang tangan ang pananampalataya at misyon ng Simbahan.

“Para tayong mga galyon naglalakbay, naghahanap ng madadaungan,” ayon kay Bishop Gaa.

Ipinaliwanag ng obispo na ang debosyon sa Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje ay nagsimula noong panahon ng galleon trade kung saan hinihingi ng mga manlalayag ang proteksyon ng Mahal na Birhen sa kanilang mapanganib na paglalakbay.

“The galleon is also the symbol of spreading the faith or evangelization,” paliwanag ng obispo.

Binigyang-diin din ni Bishop Gaa na tulad ni Maria na nagkalinga kay Hesus, ang Simbahan ngayon ay patuloy ding nagdadala kay Kristo sa gitna ng mga pagsubok ng buhay.

Ibinahagi ng obispo na dumaraan pa sa masusing proseso sa Vatican ang pag-apruba sa planong pagbili ng lupang pagtatayuan ng permanenteng tahanan ng parokya dahil sa malaking halaga nito, ngunit nananatiling positibo ang simbahan sa nalalapit na katuparan nito.

Hinimok naman ni Bishop Gaa ang mga mananampalataya na manatiling nagkakaisa habang sama-samang isinusulong ang pangarap ng parokya.

“Let us be a galleon, a ship, a church journeying together in the same boat, navigating through the different risks in life, but journeying together,” giit ng obispo.

Samantala, tiniyak naman ni Fr. Buslon na bagama’t maliit pa ang kasalukuyang simbahan, patuloy itong nagsisilbing tahanan ng pananampalataya para sa komunidad ng Balara.

“But eventually, doon po kami patungo sa pagkakaroon ng permanenteng lugar at permanenteng tahanan para sa aming Mahal na Ina,” giit ni Fr. Buslon.

Ayon sa kasaysayan, ang debosyon ng Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje de Balara ay nagsimula nang matagpuan ang imahe ng Mahal na Birhen malapit sa isang balon sa lugar, hanggang sa patuloy na lumawak ang debosyon dahil sa maraming himala na iniugnay sa kanya.

Taong 2012 naman nang maitatag ang parokya na itinalaga sa Mahal na Birhen ng Kapayapaan at Mabuting Paglalakbay na bahagi ng Diocese of Novaliches.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 28,449 total reads

 28,449 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 65,401 total reads

 65,401 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 83,612 total reads

 83,612 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 167,940 total reads

 167,940 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 204,017 total reads

 204,017 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mamamayan, binalaan ni Fr.Orbos

 3,884 total reads

 3,884 total reads Nagbabala si Fr. Jerry Orbos, SVD laban sa dumadaming AI-generated fake news na gumagamit ng kanyang pangalan at imahe upang magbenta ng mga

Read More »
Scroll to Top