Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Cardinal Advincula, nagbabala laban sa labis na pag-asa sa kakayahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,752 total views

Iginiit ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang kahalagahan ng pananalig, kababaang-loob, at pagdadala ng pag-asa sa gitna ng lumalalim na pangamba at paghihirap ng mamamayan.

Ito ang mensahe ng kardinal sa pagdiriwang ng kapistahan ng Mahal na Birheng Mariang Mapag-ampon sa National Shrine of Our Lady of the Abandoned sa Sta. Ana, Maynila.

Sa kanyang homiliya, inilarawan ng kardinal ang Mahal na Inang Mapag-ampon bilang inang hindi nang-iiwan sa gitna ng pagdurusa ng tao.

“Sa gitna ng magulong daigdig na madalas nagdudulot ng pinanghihina ng loob, ipinagdiriwang natin ngayon ang kapistahan ng Mahal na Inang Mapag-ampon, ang Mahal na Inang hindi nang-iiwan, kundi nananatiling kapiling ng kanyang mga anak sa gitnang dilim, luha, at paghihintay,” ayon kay Cardinal Advincula.

Binigyang-diin ng arsobispo na ang tunay na pag-asa ay nagsisimula sa pagpapakumbaba at pagtitiwala sa Diyos.

“Sapagkat ang tunay na kababaang-loob ay hindi pagmamaliit sa sarili, kundi malinaw na pagkilala na ang lahat ng mabuti sa atin ay biyaya lamang ng Diyos,” paliwanag ng kardinal.

Nagbabala rin si Cardinal Advincula laban sa labis na pag-asa sa sariling kakayahan dahil ito ay kadalasang naglalayo sa ugnayan ng tao sa Diyos at madalas na sanhi ng madaling pagkabigo at pagkawala ng pag-asa ng tao.

Ayon pa sa kardinal, mahalaga ang pananalangin at pag-amin ng kahinaan upang muling mabuhay ang pag-asa sa puso ng tao.

“Ang mapagkumbabang tao ay marunong manalangin, marunong umiyak sa Diyos, marunong magsabi ng ‘Panginoon, kailangan kita.’ At sa pag-amin na iyon, unti-unting isinisilang ang pag-asa,” dagdag ni Cardinal

Tinukoy rin ng arsobispo ang lumalawak na suliranin ng pangamba at tahimik na pagdurusa ng marami sa lipunan.

“Marami ring tao ngayon ang tila unti-unting nilalamon ng pangamba at kawalan ng pag-asa. May mga ngumingiti ngunit pagod na pala. May mga tahimik ngunit sugatan na ang puso,” saad ng pastol.

Hinimok naman ng kardinal ang mga mananampalataya na maging daluyan ng pag-asa sa payak na mga paraan tulad ng pakikinig, pagdamay, at presensya sa kapwa.

“Itinuturo sa atin ng ating Mahal na Ina na hindi kailangang maging dakila upang makapagbigay ng pag-asa. Minsan sapat na ang makinig. Minsan sapat na ang samahan ang isang taong umiiyak. Minsan sapat na ang magsabi: ‘Nandito ako’,” ani Cardinal Advincula.

Binigyang-diin din nito na ang pananatili sa piling ng Diyos ang susi upang manatiling matatag sa gitna ng pagsubok.

Ipinaalala rin ni Cardinal Advincula na habang nananatiling buhay ang pakikipagniig sa Panginoon, ay hindi mamamatay ang pag-asa sa puso ng tao.

Kasama ng kardinal sa pagdiriwang si Fr. Virgilio del Mundo, OFM, ang kasalukuyang shrine rector at parish priest ng dambana, gayundin si Fr. Gregorio Redoblado, OFM, ang provincial superior ng San Pedro Bautista Province ng mga Pransiskano, at mga misyonerong Pransiskano at bisitang

Ang Santa Ana Church ay isa sa pinakamatandang simbahan sa Maynila na itinatag ng mga misyonerong Pransiskano noong 1578.

Ang kasalukuyang istruktura ng simbahan ay itinatag sa pamumuno i Fr. Vicente Ingles, OFM alinsunod sa estilong

Taong 2020 nang ideklara ng Catholoc Bishops’ Conference of the Philippines ang dambana bilang national shrine habang ginanap ang maringal na deklarasyon noong May 12, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 8,260 total views

 8,260 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 75,748 total views

 75,748 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 96,813 total views

 96,813 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 119,585 total views

 119,585 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 156,587 total views

 156,587 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top