OFW’s, sang-ayon na itaas ang Pag-IBIG monthly savings rate

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,183 total reads

Sang-ayon ang grupo ng mga Overseas Filipino Workers sa hakbang ng Pag-IBIG Fund na dagdagan ang monthly savings rate ngayong taon.

Ayon kay Kabalikat ng Migranteng Pilipino, Inc. o (KAMPI) President Luther Calderon mahalagang suportahan ang hakbang ng institusyon upang matugunan ang pangangailangan ng lumalagong miyembro lalo na ang usapin sa pagkakaroon ng disenteng bahay na masisilungan.

“We support unequivocally Pag-IBIG Fund’s proposal to increase the contributions of its members. An increase in contributions is definitely a step towards the right direction as this would mean more funds that could be employed for the benefit of members seeking to apply for home loans and short-term loans. Not only is it timely, but more importantly, it is the right thing to do,” bahagi ng pahayag ni Calderon.

Sa ilalim ng bagong saving’s rates, magiging 200-piso na ang magiging kontribusyon ng mga manggagawa at employer mula sa 2-percent maximum monthly compensation na P10, 000.

Bukod sa KAMPI nagpahayag din ng suporta ang Kapisanan ng mga Kamag-anak at Migranteng Manggagawang Pilipino, Inc. (KAKAMMPI), Kaibigan ng mga OCWs, at iba pang OFW groups.
Naniniwala ang mga OFW na mas mapapabuti pa ng Pag-IBIG Fund ang mga benipisyong maiaalok sa 15-milyong kasapi sa buong bansa kung saan bukod sa pabahay ay mayroon ding iba’t ibang loan programs.

Tiniyak ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta sa mga OFW na pag-ibayuhin ng institusyon ang pagbibigay tapat na serbisyo sa bawat kasapi lalo na sa hanay ng mga OFW.

“Under our new rates, members shall have higher Pag-IBIG Savings that earn annual dividends, which they shall receive upon membership maturity or retirement, as well as higher multi-purpose and calamity loan amounts to help them with their financial needs. This shall also allow us to continue offering affordable home loans and provide them better opportunities to gain a home of their own,” ayon kay Acosta.

Taong 2019 nang aprubahan ng Pag-IBIG Fund ang pagdadagdag sa buwanang kontribusyon na ipatutupad noong 2021 subalit naantala ito dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic kung saan patuloy ang pagbangon sa sektor ng ekonomiya sa bansa.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 1,912 total reads

 1,912 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 53,194 total reads

 53,194 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 138,560 total reads

 138,560 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 185,296 total reads

 185,296 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 233,167 total reads

 233,167 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 334,583 total reads

 334,583 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top