Caritas Philippines, mananatiling tagapagpadaloy ng Awa at Habag sa mga biktima ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 330 total reads

Tiniyak ni Caritas Philippines Chairman, Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona na patuloy na ipadarama ng Simbahan ang awa ng Diyos lalo na sa panahon ng kalamidad at paghihirap.

Ang pahayag ay kasabay ng isinasagawang 4th World Apostolic Congress of Mercy o WACOM 4.

Sinabi ni Archbishop Tirona, kanilang ipinamamalas ang Awa ng Diyos hindi lamang sa pagtugon sa pangangailangan ng mga nakakaranas ng kalamidad kundi maging sa pagpapalawig ng mga programa na naglalayon palakasin ang kakayanan at kaalaman ng mga mahihirap.

“Ginagawa natin to bilang tugon sa panawagan ng Santo Papa na practice ng corporal o spiritual works of mercy kami sa NASSA talagang yun naman ang aming layunin na ipahayag ang kongkretong awa ng Diyos sa pamamagitan ng pagtulong hindi lamang sa panahon ng sakuna kundi maging sa pagbibigay natin ng empowerment o kakayahan ng mga dukha na tumayo sa sarili nila sa pamamagitan ng iba’t ibang programa,” pahayag ni Archbishop Tirona.

Naniniwala din ang arsobispo na ang Awa ng Diyos ay pinararamdam ng Simbahan sa pamamagitan ng paglapit kay Kristo, pakikiisa sa buhay ng mga dukha at pagpapalaganap ng kabutihan.

“Ginagawa natin to, una sa pamamagitan ng paglapit kay Kristo o Intimacy, Ikalawa sa pagbababad ng Simbahan sa buhay ng mga mahihirap o Immersion at Ikatlo sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng kabutihan at mabuting gawa,” dadag pa ng Arsobispo ng Caceres, Camarines Sur.

Sa pag-aaral ng the Human Cost of weather related Disasters, lumalabas na ang Pilipinas ang ika-apat na bansa na pinakamadalas makaranas ng mga kalamidad sa nakalipas na dalawang dekada dahilan upang patuloy na maghirap ang maraming mga Pilipino na naaapektuhan nito.

Ang WACOM4 ay isinasagawa sa Pilipinas simula Enero 16-20, kung saan may limang libo delegado ang dumalo kabilang na dito ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang mga bansa

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 18,298 total reads

 18,298 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 52,699 total reads

 52,699 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 89,181 total reads

 89,181 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 107,393 total reads

 107,393 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 190,776 total reads

 190,776 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 101,166 total reads

 101,166 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top