Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Dasal at tulong, kailangan ng mga biktima ng baha sa Cagayan de Oro.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 430 total views

Nanawagan si Archdiocese of Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma na ipanalangin at tulungan ang mga residente sa lalawigan na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng walang tigil na pag-ulan.

Ipinagdarasal ng Arsobipo na hindi na maulit ang malaking trahedya na naganap nang manalasa ang bagyong Sendong sa Cagayan De Oro.

Pagbibigay diin ni Abp. Ledesma, mapipigilan ang mga malalaking trahedya, kung pangangalagaan ng tao ang kalikasan at kung lubos na mapaghahandaan ng bawat isa ang mga kalamidad na dulot ng pagbabago ng panahon.

“We should really pray for the people in Cagayan De Oro again, last time nagkaroon ng Typhoon Sendong doon 5 [or 6] years ago and hopefully this is not a repeat of a bigger tragedy. Pero makikita rin natin na this is one call for us to also protect the environment saka always to be prepared for the natural calamities like this,” pahayag ni Abp. Ledesma sa panayam ng Radyo Veritas.

Tinukoy rin ng Arsobispo ang kahalagahan ng pakakaisa ng pamahalaan at ng local communities sa pagpapanatili ng kalinisan, matapos maiulat na dahil sa mga baradong kanal at kalbong kabundukan ang dahilan ng mabilis na pagtaas ng baha sa Cagayan De Oro.

“Dapat matingnan ng local government at ng local communities na dapat linisin yung mga drainage system natin and also we should really start in earnest yung re-greening program sa watershed areas natin.”pahayag ni Archbishop Ledesma

Samantala, bagamat nababahala ang Arsobispo dahil wala siya sa Cagayan De Oro dahil sa WACOM 4 ay tiwala itong mabilis na tinutulungan ng Social Action Center ng Archdiocese ang mga residenteng lumikas at apektado ng baha.

“I really feel a bit terrible also na wala ako doon, but I’m sure the local social action center there is helping out now, saka yung mga parishioners and the parishes are also trying to help, and as I am told this is also temporary nalang dahil the waters have already subsided,” bahagi ng pahayag ni Arsobispo.

Sa huli, binigyang diin ni Abp. Ledesma na sa ganitong mga pagkakataon ay mamayani at manatili sa bawat isa ang pagtutulungan upang maipalaganap ang habag at awa ng Panginoong Hesus.

“Dapat itong panawagan natin is really para sa lahat sa atin na maghanda tayo sa whatever calamities might happen again saka magtulungan rin tayo ngayon we can help all those badly affected by the recent flood. [I hope that] May the congress of divine mercy have a lasting effect dito sa Pilipinas,” pahayag ni Abp. Ledesma.

Kabilang din sa apektado ng baha ang Misamis Occidental, Camiguin islands,Iligan at Bukidnon.

Taong 2011 nang manalasa ang bagyong Sendong at magdulot ng matinding pagbaha sa Cagayan De Oro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 35,315 total views

 35,315 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 56,380 total views

 56,380 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 79,402 total views

 79,402 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 118,081 total views

 118,081 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 335,482 total views

 335,482 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top