Archdiocese ng Cagayan de Oro, nagpasaklolo sa Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 375 total reads

Umapela na ng tulong ang Archdiocese of Cagayan De Oro sa Caritas Manila para matugunan ang pangangailangan ng mga naapektuhan ng mawalakang pagbaha sa ilang lalawigan sa Mindanao.

Ayon kay Carl Cabaraban, Social Action Coordinator ng Archdiocese of Cagayan De Oro,tutulong sila sa rehabilitasyon ng mga labis na nasirang kabahayan.

Bukod dito, tiniyak ni Cabaraban na kumikilos ang kanilang hanay sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga Food at Non Food items sa mga apektado ng pagbaha lalo na sa mga mahihirap.

Inihayag din ni Cabaraban na tumugon na ang ilang mga karatig na diyosesis sa kanilang pangangailangan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga relief goods at cash assistance.

“Meron pa din kaming relief distribution sa mga malalayong lugar na naapektuhan din ng pagbaha, nagpadala na ng tulong ang ilang mga Diocese gaya ng Diocese of Malaybalay while yun Cathedral namin naglabas na din ng pondo.”pahayag ni Cabaraban sa panayam ng Damay Kapanalig.

Kaugnay nito, inaasahan naman ang pagtugon ng Caritas Manila at iba pang organisasyon ng Simbahan para sa mga naapektuhan ng pagbaha dulot ng ilang araw na walang tigil na pag-ulan sa maraming lugar sa Mindanao.

Magugunitang unang idineklara ang State of Calamity sa Cagayan De Oro matapos bahain ang mga pangunahing lansagan at sentro ng komersyo sa lungsod.

Nauna ding nanawagan sa mamamayan ng dasal at tulong si Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma para sa mga binaha sa Northern Mindanao.

See.. http://www.veritas846.ph/dasal-tulong-kailangan-ng-mga-biktima-ng-baha-sa-cagayan-de-oro/

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 20,028 total reads

 20,028 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 54,342 total reads

 54,342 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 90,824 total reads

 90,824 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 109,036 total reads

 109,036 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 192,303 total reads

 192,303 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 101,175 total reads

 101,175 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top