‘Iligtas ang ibang kaluluwa’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 500 total reads

“Hindi sapat na iligtas mo ang iyong kaluluwa, kailangan mong magligtas ng iba pang kaluluwa.”

Ito ang mensaheng natanggap ni Michael Hii – isa sa mga delegates ng 4th World Apostolic Congress on Mercy na nagmula sa Malaysia at isa sa laykong nagpasimula ng pagdedebosyon sa Divine Mercy sa kanilang Parokya.

Ayon kay Hii, taong 2009 nang ma-diagnose na mayroong Breast Cancer ang kanyang asawa na si Eileen Kueh, at araw-araw itong nanalangin sa Santissimo Sacramento sa Singapore, kung saan nagpapagamot ang kanyang asawa.

Bago matapos ang Radiation session ng kanyang asawa, tila nangusap ang Panginoon kay Hii sa harap ng Banal na Eukaristia at sinabi nitong “Hindi sapat na iligtas mo ang iyong kaluluwa, kailangan mong magligtas ng iba pang kaluluwa.”

Ayon kay Hii, sa una ay inisip nila kung paano maumpisahan ang pagliligtas ng ibang tao, ngunit dahil sa ipinakitang lakas at determinasyon ng kanyang asawang si Eileen habang nakikipaglaban sa kanyang karamdaman, naging inspirasyon ito para sa kapatid ni Eileen na si Alison, isang pagano, upang mahikayat na magpa-convert sa pagiging katoliko.

“Lord, are you speaking to me through Alison and Chris? Are we saving souls by our life style?” pagbabahagi ni Hii sa Radyo Veritas.

Dahil dito, itinuturing na milagro ni Hii at ng kanyang asawa ang paggaling nito mula sa Breast Cancer at ang pagkakahikayat sa kapatid nitong si Alison at ang kanyang asawang si Chris upang maging Kristiyano, at magpabinyag bilang mga katoliko

Bunsod nito, taong 2010, sinimulan ni Hii ang pagbuo ng grupong mag-aalay ng debosyon sa Divine Mercy sa kanilang Parokyang St. Peter Church sa ilalim ng Archdiocese of Kuching.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,473 total reads

 77,473 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,700 total reads

 155,700 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 189,147 total reads

 189,147 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,444 total reads

 224,444 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,876 total reads

 447,876 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 38,111 total reads

 38,111 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,997 total reads

 30,997 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top