Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 132,800 total reads

Ang Pilipinas ay isang arkipelago – napapaligiran tayo ng katubigan. Kaya’t napakahalaga, kapanalig, na pamilyar tayo sa konsepto ng blue economy. Nakataya dito ang ating buhay at kinabukasan. Ito ang pundasyon ng ating lipunan. Hindi lamang pagkain, trabaho, at libangan ang dala nito. Ang mga karagatan ang nagpo-produce ng kalahati ng oxygen ng buong mundo.

Ang blue economy, kapanalig, ay may iba ibang depinisyon, pero lahat sila ay nakatutok sa sustainability at kalusugan ng ating mga marine resources. Ayon sa World Bank, ang blue economy ay ang sustainable na paggamit ng mga resources ng karagatan para sa paglago ng ekonomiya at ng mas maayos na kabuhayan at trabaho habang tinitiyak ang kalusugan ng ocean ecosystem. Para sa European Commission naman, ang blue economy ay tumutukoy sa lahat ng activities na kaugnay ng mga karagatan, dagat, at baybayin.

Ang maritime industry natin kapanalig, ay napakalaki ng ambag sa ating bayan. Napakaraming trabaho ang naibibigay nito sa ating mga kababayan. Tumutulong ito sa pagtiyak ng suplay ng pagkain sa bansa. Malaki rin ang kontribusyon nito sa ating ekonomiya. Mga P857 billion ang ambag nito sa ating kaban noong 2023, mga 3.9% ng ating gross domestic product.

Kaya lamang, kapanalig, maraming banta sa ating maritime industry bago pa ito ma-transisyon na maging blue economy. Unang una na dito ang climate change. Binabago ng climate change ang klima sa mga karagatan, pati water circulation. Hindi simple ang mga pagbabagong ito – napakalaking epekto nito sa mga ecosystems sa karagatan at baybayin na malaki ang implikasyon ngayon at sa hinaharap. Maaari itong magdulot ng extinction, halimbawa ng mga species ng hayop at halaman.

Isa pa sa mga banta sa paglago ng blue economy ay ang patuloy na pamamayagpag ng mga malalaking commercial fishing vessels sa mga karagatan ng bansa. Hindi lamang nila dini-displace ang mga artisanal o maliliit na fisherfolks, inuubos pa nila ang mga isda sa karagatan dahil kadalasan, kahit ga munti o batang isda ay kanila ng hinuhuli.

Pati turismo, kapanalig, ay may dala ring banta sa ating blue economy. Ang kalat at polusyon na dala nito, kung hindi natin maa-awat, ay makakasira sa ating kalikasan at karagatan.

Kapanalig, tayo ang mga itinakdang stewards o tagapangalaga ng kalikasan, ng ating mga karagatan. Ang responsibilidad na ito ay hindi natin dapat isakatuparan sa shortsighted o napakakitid na paraan. Kailangan, sa pangangalaga sa kalikasan, ating laging nasa isip ang sustainability – ang tuloy tuloy na pag-iral ng likas yamang biyaya ng Diyos sa lahat. Sabi nga sa Caritas in Veritate, “The environment is God’s gift to everyone, and in our use of it we have a responsibility towards the poor, towards future generations and towards humanity as a whole.”

Sumainyo ang Katotohanan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 411 total reads

 411 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,736 total reads

 50,736 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,102 total reads

 136,102 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,838 total reads

 182,838 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,709 total reads

 230,709 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 332,231 total reads

 332,231 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MADALDAL KULANG SA GAWA

 50,737 total reads

 50,737 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 136,103 total reads

 136,103 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 182,839 total reads

 182,839 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 230,710 total reads

 230,710 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »
Scroll to Top