Bagong Taon, Bagong Pagkakataon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 470 total reads

Kapanalig, ang bagong taon ay nagdadala ng bagong pagkakataon upang mas mapagbuti pa natin ang ating buhay. Ito ay nagdadala ng pag-asa na maabot pa natin ang mga layunin na hindi natin naabot ng mga nakaraang taon.

Isa sa mga mahahalagang layunin ng ating lipunan ay ang pagbibigay  pagkakataon sa mga bata na makapag-aral. Ang early childhood education ay isa sa mga mahahalagang salik ng edukasyon ng mga bata. Kadalasan, kapag edukasyon ang pinag-uusapan, ang kamahalan ng kolehiyo at pribadong edukasyon ang pinakamatingkad na isyu. Ang usaping early childhood education ay hindi nabibigyan ng parehong importansya.

Ayon sa UNICEF at Save the Children, napakahalaga ng early childhood education. Hindi lamang ito pagkakaton upang sila ay matuto, ito rin ay pagkakataon para sa sosyalisasyon at preparasyon para sa pormal na pag-aaral.

Kaya nga lamang, ayon sa Save the Children, ikatlo o one third lamang ng mga bata sa Pilipinas ang may access sa de-kalidad na early childhood development classes. Maraming dahilan o causes ang sitwasyong ito. Una, maraming mga remote areas sa ating bayan. Marami tayong mga bulubundukin at isla kung saan ang mga imprastraktura at pasilidad ay mahirap itaguyod. Malaki rin ang bilang ng mga nakatala at hindi nakatalang bata na may disabilities at marami-rami rin ang mga IPs o indigenous peoples. Meron din tayong mga lugar kung saan may mga conflict o kaguluhan.

Ngayon sanang taon, mabigyan ng ibayong atensyon ang early childhood education, at nawa’y malampapasan ang mga balakid sa access ng maralita dito. Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, ang mandatory kindergarten ay nagdala ng malaking benepisyo sa maralita. Noong 2008, 47.2% lamang ng mga bata sa pinakamahirap na sektor sa ating bansa ang pumasok sa pre-school, kumpara sa 82.1% ng mga bata sa upper-middle income families. Noong 2013, dahil ginawang mandatory ng pamahalaan ang kinder, 92.2% ng mga bata sa pinakamahirap na pamilya ang pumasok na ng pre-school, humabol na sa 98.3%  pre-school attendance ate ng mga may-kaya sa bansa.

Kapanalig, ang edukasyon ay may malakas na pwersa upang mapantay-pantay ang sangkatauhan. Ang Populorum Progresso, bahagi ng ating Panlipunang Turo ng Simbahan ay may matingkad na pahayag ukol dito: “Ang basic education ay pangunahing salik ng kahit anumang plano para sa pagsulong. Ang kawalan ng edukasyon ay para ding kawalan ng pagkain—nakakatapak sa dignidad ng tao. Ang kakayahan magbasa at magsulat ay isang paraan upang mabigyan natin ng kumpyansa ang ating sarili at madiskubre na kaya pa lang nating sumulong sa buhay kasabay ng iba.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 77,026 total reads

 77,026 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,275 total reads

 155,275 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,722 total reads

 188,722 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,019 total reads

 224,019 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 447,465 total reads

 447,465 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 77,027 total reads

 77,027 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 155,276 total reads

 155,276 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 188,723 total reads

 188,723 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 224,020 total reads

 224,020 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top