Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Gumaca, pinasalamatan ang Radio Veritas at Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 340 total views

Ipinapasalamat ng Diocese of Gumaca ang mabilis na tugon ng Caritas Manila at Radio Veritas sa pangangailangan ng mga naapektuhan ng kalamidad sa lalawigan ng Quezon.

Ayon kay Rev. Fr. Tony Aguilar Social Action Director ng Diocese of Gumaca, hindi biro ang pinsala na idinulot ng bagyong Nina sa ilang mga munisipalidad sa lalawigan ng Quezon kaya naman labis ang kanilang galak na tumugon ang Caritas Manila at Radyo Veritas sa kanilang panawagan.

Sinabi ni Fr. Aguilar, na ang gawain ito ng Simbahang Katolika ay pagpapakita lamang ng malasakit ng Simbahan sa mga mamamayan na naapektuhan ng kalamidad at pagpapatunay na laging narayan ang Simbahan para umagapay at sumaklolo sa mga nangangailangan.

“Ang tawag dito sa ginagawa ng ating Simbahan sa pamamagitan ng Caritas at Veritas ito ay tinatawag nating malasakit at pagdamay sa mga kapatid natin na nangangailangan lalo na sa mga naapektuhan nitong katatapos lamang na bagyong Nina,” pahayag ni Fr. Aguilar.

Magugunitang noong ika-28 ng Disyembre bago ang pagtatapos ng taong 2016 ay naghatid ang Caritas Manila at Radyo Veritas ng may 600 relief goods, 200 thermos at 200 hygiene kits sa Diocese of Gumaca kung saan tinatayang aabot sa 7 munisipalidad ang labis na naapektuhan ng bagyong Nina.

“Kami po ay nagpapasalamat sapagkat sa pamamagitan ninyo ang mga Simbahan ang diyosesis at mga parokya ay nagkakaroon ng pagkakataon din para makatulong sa kanila sa pamamagitan ng inyong tulong,” dagdag pa ni Fr.Aguilar.

Sa datos ng NDRRMC aabot sa mahigit 400 na raang libong pamilya ang naapektuhan ng bagyo particular na sa Bicol region at mga karatig nitong lalawigan.

Una ng nagpahayag ang Archdiocese of Manila ng layuning tumulong sa mga napinsala ng kalamidad kung saan nagsagawa ito ng second collection sa mga misa nito noong sabado at linggo para itulong sa mga biktima ng kalamidad.

Read: http://www.veritas846.ph/special-collection-sa-mga-misa-para-sa-mga-biktima-ng-bagyong-nina/

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 5,118 total views

 5,118 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 21,207 total views

 21,207 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 58,996 total views

 58,996 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 69,947 total views

 69,947 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 15,398 total views

 15,398 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 30,297 total views

 30,297 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »

LAYFIMAS, pinalakas ng Pondo ng Pinoy

 43,589 total views

 43,589 total views Tinutulungan ng Pondo ng Pinoy Community Foundation Inc. ang Diocese ng Naval sa pagsasagawa ng programa para sa mga magsasaka. Ito ang ibinahagi

Read More »
Scroll to Top