25,139 total views

3rd Sunday of Lent Cycle B

Ex 20:1-17 1 Cor 1:22-25 Jn 2:13-25

Kilala natin si Jesus na isang taong malumanay, mapagpatawad at mapagpasensya. Siya ay matulungin sa nangangailangan at madaling lapitan. Pero kakaibang Jesus ang napakinggan natin ngayon sa ebanghelyo. Pinagtabuyan niya ang mga taong nagtitinda sa templo, hinagupit ang kanilang mga hayop na pinapangalakal at pinagtataob ang mga lamesa ng mga namamalit ng pera. Galit si Jesus. Ang galit niya ay dala ng kanyang pagmamalasakit sa tahanan ng Diyos. Kaya sinabihan niya ang mga tao: “Huwag ninyong gawing palengke ang bahay ng aking Ama.” Ang kanyang pagmamalasakit ay parang apoy na lumalagablab sa kanyang dibdib. Totoo, ang mga business na ito ay kailangan sa kanilang pagsamba. Ang mga hayop na pinagbibili ay inaalay sa templo. Ang mga tao ay nagpapalit ng pera para may maialay sa templo. Pero dahil sa pangangalakal na ito nagiging parang palengke na lang ang labas ng templo.

Hindi lang si Jesus ang nagalit. Tayo ay nagagalit din. Nasisigawan natin ang iba at napapalo pa nga o nasasampal. Pero madalas ang ating galit ay dahil sa nasaktan tayo ng sinabi o ginawa ng iba. Nainsulto tayo! Hindi tayo pinansin o pinahalagahan. Ang dahilan ng galit natin ay ang sarili. Nagagalit din ba tayo sa kawalan ng katarungan sa iba tulad ng paglapastangan sa Karapatang Pantao ng iba, o sa pagkasira ng kalikasan, o sa panlilinlang sa kapwa tulad ng nangyari sa pagpapapirma ng people’s initiative kuno? Kung magalit man tayo, magalit tayo sa pang-aabuso ng iba at sa mga pagsasamantala na nangyayari. Kaya may tinatawag na righteous anger, o makatarungang pagkagalit.

Ang katibayan na binigay ni Jesus na may kapangyarihan siya na gawin ang ginawa niya ay ang kanyang muling pagkabuhay. Ang templo na gigibain at itatayo pagkatapos ng tatlong araw ay hindi ang templong bato sa Jerusalem ngunit ang templo ng kanyang katawan. Patayin o sirain man ito, itatayo uli ito sa ikatlong araw. Ang kanyang muling pagkabuhay ay ang pinakatanda na pinadala siya ng Diyos at kumikilos siya sa pangalan ng Diyos.

Ang templo ay ang tagpuan ng Diyos at ng tao. Hindi na ang templo sa Jerusalem ang tagpuan ng Diyos at ng mga tao. Kay Jesus natin matatagpuan ang Diyos. Kaya bumibisita tayo sa simbahan at pumupunta tayo sa simbahan kasi doon matatagpuan natin si Jesus sa Banal na Sakramento at sa sama-sama nating pagdarasal.

Hindi lang ang katawan ni Kristo ang templo ng Diyos. Sinabi din sa Bibliya na ang katawan natin ay ang templo ng Espiritu Santo. Nananahan sa atin ang Espiritu ng Diyos at si Jesus mismo ay pumapasok sa ating katawan sa Banal na Komunyon. Sana may malasakit din tayo maging malinis at maayos na tahanan ng Diyos ang ating katawan. Iwaksi natin ang lahat ng kasamaan sa ating sarili. Ang kuwaresma ay ang panahon ng paglilinis ng ating puso.

Binibigyan tayo ngayon ng gabay kung paano manatiling malinis ang ating puso at ang ating katawan. Paano? Sa pagsunod ng sampung utos ng Diyos. Ang sampung utos na ating narinig sa ating unang pagbasa ay hindi pabigat sa ating buhay. Binigay ito ng Diyos pagkatapos na makalaya na ang mga Israelita sa pagkaalipin sa Egipto. Binigay ang mga utos na ito upang tayo ay manatiling malaya at hindi maging alipin ng kasamaan. Mas mabigat ang pagkaalipin na ito kaysa ang pagkaalipin sa Egipto.

Ang sampung utos ay nahahati sa dalawa, mga utos tungkol sa relasyon natin sa Diyos at mga utos tungkol sa relasyon natin sa kapwa. Nauuna ang tatlong utos tungkol sa Diyos kasi magkakaroon lamang tayo ng maayos na relasyon sa kapwa kung maayos ang ating relasyon sa Diyos. Mahalin natin ang Diyos ng higit sa lahat. Kaya siya lamang ang ating kikilalaning Diyos at sasambahin. Ibigay natin ang buong paggalang sa kanya, kaya huwag paglaruan ang kanyang pangalan. Kung talagang mahalaga siya bibigyan natin siya ng naaangkop na panahon upang siya ay sambahin. Kaya ipangilin natin ang Araw ng Panginoon na para sa atin ay ang araw ng Linggo.

Sa ating kapwa naman ibigay natin ang nararapat na paggalang at pagkalinga – sa mga magulang, sa asawa at sa mga anak. Igalang natin ang buhay ng lahat. Huwag tayo papatay, lalo na ng mga bata. Ang lahat ng buhay ay galing sa Diyos kaya ito ay tanggapin at pangalagaan. Ang bawat tao ay may karapatan din sa katotohanan – kaya huwag magsinungaling at manirang puri. Kasama ng paggalang sa kapwa ay ang paggalang sa kani-kanilang ari-arian. Kaya huwag magnakaw. Kasama dito ay huwag maging corrupt kasi ang corruption ay pagnanakaw, at ang ninanakawan dito ay ang maliliit na tao.

Pero hindi lang sapat na hindi tayo gagawa ng masama. Huwag din tayo babalak ng gagawa ng masama. Pati ang intention natin ay maging maayos. Sa pagnanasa palang nagkakasala na tayo, sapagkat sa masasamang pagnanasa sa kapwa at sa kanyang ari-arian nagsisimula nang mabuo ang kasamaan.

Linisin po natin ang ating sarili upang maging kaakit-akit tayong tahanan ng Diyos. Ang batayan ng maayos na pamumuhay ay binigay sa atin sa Sampung Utos. Maaari nating i-summarize ang mga utos na ito sa pag-ibig sa Diyos at sa kapwa. Kaya nga ang sampung utos ay hindi pabigat sa ating buhay. Sila ang nagiging gabay sa atin paano ibigin ang Diyos ng higit sa lahat at ang ating kapwa tulad ng ating sarili.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 3,777 total views

 3,777 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 9,195 total views

 9,195 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 15,902 total views

 15,902 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 30,702 total views

 30,702 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 36,858 total views

 36,858 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily May 5, 2024

 1,249 total views

 1,249 total views 6th Sunday of Easter Acts 10:25-26 1 Jn 4:7-10 Jn 15:9-17 Pag-ibig. Hinahanap-hanap ito ng marami. Ito ang nagbibigay ng kulay sa ating buhay at ito nga ang nagbibigay ng kabuluhan sa ating gawain. Kahit na mahirap at kahit na matagal, anumang hamon ay gagawin natin at magagawa natin kung tayo ay may

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 21, 2024

 6,574 total views

 6,574 total views Homily April 21, 2024 4th Sunday of Easter Cycle B Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 4:8-12 1 Jn 3:1-2 Jn 10:11-18 Taon-taon ang ika-apat na Linggo ng panahon ng Muling Pagkabuhay ay Good Shepherd Sunday. Maliwag ang sinabi ni Jesus sa atin ngayong araw: “Ako ang mabuting pastol.”

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 14, 2024

 8,732 total views

 8,732 total views Homily April 14, 2024 3rd Sunday of Easter Cycle B Acts 3:13-15.17-19 1 Jn 2:1-5 Lk 24:35-48 Ang muling pagkabuhay ni Jesus ay ang tagumpay sa kasalanan. Ibinuhos na kay Jesus ang lahat ng fuersa ng kasalanan. Naranasan niya ang iba’t-ibang anyo ng kasalanan. Siya ay pinagbili ni Judas, pinagtinaksilan ni Pedro, pinagbintangan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily April 7, 2024

 10,890 total views

 10,890 total views Homily April 7, 2024 2nd Sunday of Easter Cycle B Divine Mercy Sunday Acts 4:32-35 1 Jn 5:1-6 Jn 20:19-31 Ang muling pagkabuhay ay hindi lang tagumpay ni Jesus. Tagumpay ito ng buong katawan ni Kristo kaya kasama tayong lahat diyan kasi kaisa tayo ng katawan ni Kristo. Narinig natin sa ating ikalawang

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | April 6, 2024

 11,240 total views

 11,240 total views First Things First | April 6, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily March 10, 2024

 24,710 total views

 24,710 total views 4th Sunday of Lent Cycle B Laetare Sunday 2 Chr 36:14-16.19-23 Eph 2:4-10 Jn 3:14-21 Dinasal natin sa ating pambungad na panalangin: “Sa masigasig na pagsamba at matibay na pagsampalataya ang Sambayanang Kristiyano ay makadulog nawang masaya sa pagdiriwang ng dakilang kapistahan ng Pagkabuhay.” Nasa ikaapat na Linggo na tayo ng Kuwaresma. Sana

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 25, 2024

 29,183 total views

 29,183 total views 2nd Sunday of Lent Cycle B Gen 22:1-2.9.10-13,15-18 Rom 8:31-34 Mk 9:2-10 Hindi madali ang panawagan sa atin ng kuwaresma kung talagang seseryosohin natin itong gawin. Kailangan nating kalabanin ang tukso na palaging lumalapit sa atin. Kailangan nating tanggihan ang ating sariling hilig lalo na iyong nakakasama naman sa atin. Kailangan tayong maglaan

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 20, 2024

 31,939 total views

 31,939 total views First Things First | February 20, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 19, 2024

 31,939 total views

 31,939 total views First Things First | February 19, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 18, 2024

 31,921 total views

 31,921 total views First Things First | February 18, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

Homily February 18, 2024

 35,422 total views

 35,422 total views Homily February 18, 2024 1st Week of Lent Gen 9:8-15 1 Pet 3:18-22 Mk 1:12-15 Ang panahon ng Kuwaresma ay panahon ng pagpapahalaga ng ating binyag. Minsan lang tayo bininyagan pero ang katotohanan ng binyag ay ating isinasabuhay sa bawat sandali ng ating buhay. Dahil sa binyag, nagkaroon tayo ng bagong buhay. Nakiisa

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 17, 2024

 31,921 total views

 31,921 total views First Things First | February 17, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 16, 2024

 31,916 total views

 31,916 total views First Things First | February 16, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 15, 2024

 31,916 total views

 31,916 total views First Things First | February 15, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »
First Things First & Homilies
Most Rev. Broderick Pabillo, D.D.

First Things First | February 14, 2024

 30,721 total views

 30,721 total views First Things First | February 14, 2024 WATCH: Reflection on today’s First Reading from Bp. Broderick Pabillo.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top