Rev. Fr. Anton CT Pascual
Monday, November 16, 2026 7:00 am
881 total reads
Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027.
Maaaring magparehistro ang mga Pilipino na hindi bababa sa 18 taรณng gulang sa araw ng halalan sa ika-8 ng Mayo, 2028. Kailangan ding nakatira sila sa Pilipinas nang hindi bababa sa isang taon at sa lugar kung saan nila planong bumoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago ang halalan. Bukรกs ang mga tanggapan ng Comelec mula Martes hanggang Biyernes, gayundin sa ilang piling Sabado at holiday.
Hindi lamang mga unang beses na boboto ang dapat magtungo sa Comelec. Kailangan ding mag-asikaso ng kanilang record ang mga nais na buhayin muli ang kanilang rehistro matapos hindi makaboto sa dalawang magkasunod na halalan, lumipat ng lugar ng pagbobotohan, magwasto ng impormasyon, o mag-update ng pangalan. May ilang legal na dahilan na maaaring maging hadlang sa pagpaparehistro, kaya mahalagang tingnan ang mga requirements at mga paalala sa website ng Comelec.
Bakit nga ba mahalagang magparehistro at bumoto?ย
Sa pamamagitan ng ating boto, nagkakaroon tayo ng boses sa mga isyung nakaaapekto sa ating lipunan. Ang mga pulitikong inihahalal natin ang nagpapasya kung paano gagamitin ang pondo ng bayan, kung paano pangangalagaan ang mga lupain ng mga katutubo, at kung paano pamamahalaan ang ekonomiya. Nakasalalay sa kanilang mga desisyon kung mapoprotektahan o lalo pang magdurusa ang mahihirap.
Ayon sa Kawikaan 29:2, โKapag matuwid ang namamahala, bayan ay nagsasaya, ngunit tumatangis ang bayan kung ang pinuno ay masama.โ May malaking epekto sa buhay ng mga mamamayan ang uri ng mga pinunong kanilang inihahalal. Kaya hindi dapat basta-basta ang pagpili natin. Kailangang suriin ang kanilang mga nagawa, paninindigan, at mga patakarang isinusulong, sa halip na magpadala sa kasikatan o pangakong too good to be true, โika nga.
Ipinakita rin ni Pope Leo XIV ang kahalagahan ng pagboto nang gampanan niya ang tungkuling ito sa katatapos na midterm elections sa Amerika. Sa midterm elections ng Amerika, nakita natin kung paano maaaring gamitin ng mga botante ang kanilang kapangyarihan upang ipahayag ang pagkadismaya sa pamahalaan. Naging mahalagang usapin sa halalan ang mga patakaran ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump, kabilang ang digmaan na sinimulan niya sa Middle East. Ipinakita nito na hindi permanente ang kapangyarihan ng mga namumuno. Maaaring baguhin ng mga mamamayan ang komposisyon ng kanilang pamahalaan sa pamamagitan ng kanilang mga boto.ย
Magagawa rin ba natin ito sa 2028?
Ipinaalala ni Pope Leo XIV: โthe political community exists for the sake of the common good.โ Dapat nakatuon sa kapakanan ng nakararami ang mga desisyon ng gobyerno at ng mga namumuno. Pero sa Pilipinas, tila naging karaniwan na lamang ang korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan. Nakita natin ito sa mga iskandalo tulad ng pork barrel scam at flood control scandal, gayundin sa patuloy na pamamayani ng mga political dynasties. Hindi dapat maging normal ang ganitong kalakaran. Kailangang panagutin ang mga pinunong inuuna ang sariling interes kaysa sa kapakanan ng taumbayan.
Mga Kapanalig, sabi ng makata at aktibistang si Maya Angelou na ang pagboto ay ang โgreat equalizer.โ Sa pagboto, bawat mamamayan ay may pagkakataong makilahok at manawagan ng pagbabago. Magkasimbigat ang boto ng isang mayamang may-ari ng lupa at ng isang masipag na magsasaka. Magkasimbigat ang boto ng isang pulitiko at ng isang estudyanteng unang beses boboto. Kaya huwag nating sayangin ang pagkakataong ito! Magparehistro tayo at pag-isipang mabuti kung sino ang pagkakatiwalaan nating mamuno. Kung nais natin ng mas mabubuting lider, mas maayos na mga patakaran, at mas mahusay na serbisyo, nasa atin ang kapangyarihang hubugin ang kinabukasan.
Rev. Fr. Nicanor Lalog II
Sunday, November 15, 2026 8:00 am
6,639 total reads
Lord My Chef Sunday Recipe for Soul by Fr. Nicanor F. Lalog II
Thirty-Third Sunday in Ordinary Time, Cycle A, 15 November 2026
Proverbs 31:10-13, 19-20, 30-31 ><}}}}*> 1 Thessalonians 5:1-6 ><}}}}*> Matthew 25:14-30
Photo by author, mural at the tomb of St. Joseph in Nazareth with Mary as loving Mother and housewife, 2017.
Motherโs Day is still six months away but I wish to begin our reflection this Sunday in praise of housewives now called โhomemakersโ extolled in our first reading from the Book of Wisdom.
We find our first reading so appropriate in this time with the recent confessions of the tech billionaire Jensen Huang of infidelities to his wife โ allegedly with two women! โ that forced him to resign from the famed Nvidia company that manufactures microchips used in every computer we use on the planet. Then last month in our home front, a female broadcaster declared unabashedly that unless a woman earns by herself, she cannot be regarded as empowered.
Whoa!!! Lahat na lang ba talagang pera-pera na lang?
I came from that generation who wrote โhousewifeโ as our motherโs occupation in every school form. And there was no shame nor embarrassment to have a mother described as a โplain housewife.โ Whatever modern women and men say these days, a housewife has the most essential โjobโ in the human race in all times. Theirs is a 24/7 job without any pay that has rewarded mankind with great captains of industries, scientists and inventors, leaders in every aspect of life from politics to arts and the Church. Housewives are the first catechists and teachers of everyone, the first to open our eyes and ears to the beauty of words and colors and music, making us feel first from them love and care and kindness beginning in their wombs.
Photo by author, St. Paul Renewal Center for Spirituality, Alfonso, Cavite, August 2026.
When one finds a worthy wife, her value is far beyond pearls. her husband, entrusting his heart to her, has an unfailing prize. She brings him good, and not evil, all the days of her life. She obtains wool and flax and works with loving hands. Shen puts her hands to the distaff, and her fingers ply the spindle. she reaches out her hands to the poor, and extends her arms to the needy (Proverbs 31:10-13, 19-20).
Surely, many are surprised with our Sunday first reading, even causing a few smiles among you because it is an image of a โperfectโ wife who does not exist nor that exactly corresponds to our modern time; it is not advocating a particular status for women nor trying to determine the tasks befitting them and within which they must be stereotyped.
Our first reading from the Book of Proverbs is simply stating the fact that this kind of housewife is praiseworthy because she accomplishes her work to perfection so that in the final analysis, we find โ and readily agree โ that appearances like โcharmโ and โbeautyโ do not matter with the former so deceptive and the latter vain.
What we have here is a woman โ embodied later by the Blessed Virgin Mary โ as the model for people faithful to God diligently fulfilling the humble daily tasks entrusted to her without forgetting to be charitable with the poor and needy.
Our first reading this Sunday from Proverbs tells us not to seek perfection elsewhere than in faithfulness to everyday duties like most mothers and housewives, that we must all be humble handmaids of the Lord, humble servants of God in the fulfillment of the duties of our state which Jesus emphasized too in his parable of talents.
Jesus told his disciples this parable: โA man going on a journey called in his servants and entrusted his possessions to them. To one he gave five talents; to another, two; to a third, one โ each according to his ability. Then he went away. After a long time, the master of those servants came back and settled accounts with themโฆโ (Matthew 25:14-19).
1886 painting by James Tissot, The Hidden Treasure based on Jesus Christโs Parable of Talents now in Brooklyn Museum in New York from brooklynmuseum.org.
See the seamless relationship of Christโs parable with the first reading: it does not really matter how much we have accomplished or done and achieved in life but who we have become as faithful stewards of Godโs many gifts and blessings.
Did we put into wise use Godโs gifts to us or like that third servant, did we just keep and buried it that it went into waste bearing no fruits at all?
Like the perfect housewife in the first reading, Jesus is teaching us diligence to whatever is entrusted to us like the first two servants. There is no need to whine and complain of the many difficulties in life because as Jesus had mentioned in the parable, we are given and entrusted with gifts according to each oneโs ability. God will never ask us to do something we cannot fulfill; God does not call the qualified but qualifies his calls.
Life is about being consistent in our duties and responsibilities in whatever state of life and profession we may be. Of coming in, reporting daily whatever the weather and situations may be. Like the perfect housewife who wastes no time in being idle or preoccupied with mundane things because any time her husband and kids would be back, the two servants maximized their time into productive use in that interval between their masterโs departure and uncertain arrival or return.
Photo by author of a man praying for almost an hour at the side altar of the Cathedral of Our Lady of Pillar in Imus, Cavite, 27 October 2026.
Remember those โheroesโ on board the FlyDubai flight to Israel last month who thwarted the terrorist attempt of their co-pilot who stabbed his captain? They were all ordinary folks without any training in martial arts but were there to help simply because of the need to help, to sacrifice.
Thatโs fidelity to the most ordinary things in life, of caring and loving for others. Most of all, of fighting evil and sin, of not allowing darkness and death to prevail in the world that has grown hopeless of the future because many have turned away from God, refusing to accept the fact they are so irresponsible and good only in complaining and whining in life.
Unlike during the time of St. Paul when Christians were so worried with the Second Coming of Christ (parousia), ours is so different that hope for the Lordโs return plays so little or no role at all in the lives of many who are so busy with work and play, without any qualms at all in skipping the Sunday Mass. Many are even unmindful of not praying at all, even at least before eating. How sad many are so busy scrolling and texting their cellphones without any time at all to pray or even converse with others. Everyone is on a rush for everything except for Christโs Second Coming.
The only good news we can glean from this latest string of news of infidelities by the super-rich tech giants in the West like Microsoftโs Bill Gates, Amazonโs Jeff Bezos and now Nvidiaโs Huang is the high premium the world still gives on values like fidelity and sincerity, not really money and influence because that is the truth about life, of being good and faithful and true.
Jesus reminds us today as we approach the final Sunday of our liturgical calendar with the Solemnity of Christ the King next week that he is indeed coming again, that there is an end of time where each one will be judged individually and asked for an accounting of talents entrusted to us. Are we ready? Remember St. Mother Teresaโs words, โwe are called to be faithful, not successful.โ Amen. Have a blessed, faithful week!
Photo by author, Palauig, Zambales, 12 Novvember 2026.
Noon taong 2021, ipinagdiwang natin ang ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas. Ang patuloy na hamon sa atin ay paano natin ipagpapatuloy ang paglago at paglalim ng pananampalataya na ito na binigay sa ating bilang binyagan. Mapapalaganap natin ito sa ating pagiging mabuting katiwala. So we promote being Good Stewards as a way of being disciples of Jesus Christ.
Tayong lahat ay katiwala ng Diyos. Kinikilala natin na ang lahat ng kabutihan ay galing sa Diyos. Ibinigay niya ito sa atin upang ating pangalagaan at palaguin. Kaya katiwala tayo ng buhay, ng pananampalataya, ng kalikasan, ng ating mga talento at ng ating yaman. Ang lahat ng ito ay galing sa Diyos. Bilang katiwala may responsibilidad tayong pangalagaan nang mabuti ang ipinagkatiwala sa atin. Sinisikap natin na ito ay hindi mawala, masira at masayang. Pero hindi lang ito ang ating tungkulin bilang mabubuting katiwala. Sinisikap din natin na ang mga biyaya ay ating gamitin at palaguin.
Sa ating unang pagbasa na galing sa Aklat ng Kawikaan binibigay sa atin ang halimbawa ng isang masipag at maaasahang maybahay. Siya ay mabuting katiwala. Ginagamit niya ang lahat ng pagkakataon at panahon upang pangalagaan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Masipag siya sa mga gawaing bahay. Ginagamit din niya ang kanyang kaalaman na mag-invest ng kanilang ari-arian upang ito ay lumago. Ang nakikinabang sa kanyang kasipagan ay hindi lang ang kanyang pamilya. Nakikinabang din ang mga mahihirap kasi nagbabahagi din siya sa kanila. Kaya ang kahalagahan ng babae ay hindi lang sa kanyang panlabas na ganda kundi sa kanyang pagiging masipag, mapagmalasakit, at pagkakaroon ng maayos na pag-uugali. Mabuting katiwala ang babaeng nilalarawan sa ating unang pagbasa.
Ang mabuting katiwala ay masipag at mapamaraan upang ang ipinagkatiwala sa kanya ay lumago. Pinapakita ito sa talinhaga ni Jesus tungkol sa tatlong pinagkatiwalaan ng isang tao ng kanyang kayamanan sa ating Ebanghelyo. Hindi parepareho ang ibinigay sa kanilang pera. Ang isa ay binigyan ng limang libo, ang pangalawa ng dalawa, at ang huli ng isang libong piso. Isinaalang-alang ng may-ari ang kakayahan ng bawat isa. Noon pagbalik niya, dumating na ang pagsusulit. Natuwa siya sa dalawang nagbigay ng kita sa ibinigay sa kanila โ ang nakatanggap ng limang libo ay tumubo ng lima pa, ang nakatanggap ng dalawang libo ay tumubo ng dalawa pa. Natuwa ang may ari sa dalawang ito. Hindi man niya pinuna ang nagbalik ng dalawang libo; hindi niya ito ikinompara sa nakabalik ng limang libo pa. Ang bawat isa ay may sariling kakayahan. Iyan ay kinikilala at ginagalang ng may-ari. Ang hindi niya matanggap ay ang nakatanggap ng isang libo. Ibinaon lang niya ito sa lupa at ibinalik sa may-ari ang kanyang natanggap. Hindi nga ito nasira o nawala, pero hindi naman tumubo. Naghahanap ang Diyos ng increase, ng tubo. Tamad at masamang katiwala ang tawag sa kanya. Ipinatapon siya sa kadiliman sa labas. Ito ay ang impiyerno! Minsan sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad: Tinawag ko kayo upang kayo ay magkaroon ng bunga, at bunga na mananatili. Magbubunga ang mga biyaya ng Diyos kung ito ay ginagamit sa kabutihan. Kaya ng Diyos na pasaganain tayo upang tayo ay magkaroon ng sapat sa ating pangangailangan at maging masagana sa pagtulong sa mga nangangailangan. Ang kasaganahan ay hindi lang para sa atin. Pinapasagana tayo upang mas maraming tao ang matutulungan at sa gayon marami ang makapagpasalamat sa Diyos.
Ngayong linggo ay World Day of the Poor. Ito ang Linggo bago ang huling Linggo ng taon ng simbahan na siyang kapistahan natin ng Christ the King. Pinapakita ng World Day of the Poor kung paano natin mapaglilingkuran si Jesus na ating hari. Mapaglilingkuran natin siya sa ating paglilingkod sa mga mahihirap. Huwag natin silang pabayaan. Kaya ang paksa sa Linggong ito ay huwag nating tatalikuran ang mga mahihirap. Gamitin natin ang anumang kakayahang binigay sa atin upang mapaglingkuran ang mga nangangailangan. Sapat ang kakayahan ng mundo na mawala ang kahirapan kung hindi natin pababayaan ang mga mahihirap.
Ang laman ng mga balita sa mga araw na ito ay ang digmaan sa Israel, sa Ukraine, at sa Iran. Tatlo lang ito sa maraming digmaan na nangyayari sa mundo. Magastos ang mga digmaan. Ang bawat bomba na sumasabog ay nagkakahalaga ng ilang milyong piso. At ilang bomba at missiles ang sumasabog araw-araw! Ang mga sandata, ang mga bala, ang mga tangke, ang mga eroplano, at mga drones ay nagkakahalaga ng bilyon-bilyong pera. At may perang ganito ang binibigay ng mga bansa na tumutulong sa digmaan para pumatay. Kung ang ganitong halaga ay ginamit upang tulungan ang mga tao โ gumawa ng ospital, magbigay ng traktora, gumawa ng pagkain, magpagawa ng paaralan โ ilang tao ang matutulungan? Pero walang perang ginugugol para tulungan at paunlarin ang mga tao, pero ang laki ng halaga ang ginagamit upang pumatay at sumira! May pera sa mundo -gamitin lang natin ito para makatulong sa nangangailangan at umunlad ang lipunan.
At ang paggawa ng kabutihan ay huwag natin ipasabukas. Kahit kailan darating ang Panginoon at magbibigay tayo ng sulit sa kanya. Bigla ang kanyang pagdating, tulad nga ng pagdating ng magnanakaw. Kaya nga kailangan tayong manatiling gising, laging handa at malinaw ang isip. Gamitin na natin nang maayos ngayon ang anumang biyaya na ipinagkatiwala sa atin.
Habang nananawagan tayo na itigil na ang mga digmaan at patayan, tayo, sa ating sariling makakayanan, ay magsikap na ngayon upang gamitin ang mga biyaya ng Diyos, tulad ng ating kaalaman, ng ating panahon, ng ating kayamanan, na makatulong sa iba. Magbalik handog tayo. Magsikap na palaguin ang mga biyaya, hindi lang upang maging masagana ang buhay natin kundi upang mas lalo din tayong makatulong sa mahihirap. Para din sa kanila ang biyaya ng Diyos sa atin. Binigyan tayo ng biyaya upang maging daluyan tayo ng biyaya para sa iba. Huwag po natin talikdan ang mga nangangailangan.
882 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro
101,175 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno
184,205 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang
278,536 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December
340,187 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.ย Mayorya ng