Separation of Church and State

SHARE THE TRUTH

 190,320 total views

Mga Kapanalig, ginamit na dahilan ni Senador Robin Padilla ang prinsipyo ng separation of church and state upang depensahan ang kontrobersyal na televangelist na si Apollo Quiboloy. Ito ang kanyang dahilan kung bakit pinangunahan niya ang paglalabas ng isang written manifestation bilang pagtutol sa pagpapaaresto sa nagtatag sa grupong Kingdom of Jesus Christ. 

Nagsagawa ng pagdinig ang Senado, sa pangunguna ng women and gender equality committee na pinamumunuan ni Senador Risa Hontiveros, tungkol sa mga alegasyon ng pang-aabuso umano ni Ginoong Quiboloy sa mga babae at batang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ. Hindi kailanman sinipot ng nagpapakilalang “Appointed Son of God” ang mga pagdinig sa senado. Dahil dito, pinapa-cite in contempt siya ni Senador Hontiveros, bagay na kinokontra ni Senador Padilla.

Kasama ni Senador Padilla sa pagpigil sa gustong mangyari ng komite ni Senadora Hontiveros sina Senador Bong Go, Cynthia Villar, at Imee Marcos. May kanya-kanya silang dahilan, ngunit para kay Senador Padilla, naniniwala siyang labag sa separation of church and state ang ginawang imbestigasyon ng komiteng pinamumunuan ni Senador Hontiveros. Nakakaiskandalo raw ang pagsisiyasat ng senado, bilang isang institusyon ng estado, sa mga akusasyon laban sa lider ng Kingdom of Jesus Christ. 

May dapat linawin sa pagkakaunawa ni Senador Padilla sa prinsipyo ng separation of church and state. Binabanggit ito sa Saligang Batas ng 1987, pero ang pinatutungkulan nito ay ang pagbabawal sa estado na magtatag ng tinatawag na state religion. Hindi rin dapat manghimasok ang estado sa malayang pagsasabuhay ng pananampalataya ng mga mamamayan. Bawal ding gamitin ang pondo ng bayan para suportahan ang isang partikular na relihiyon o religious group

Madalas abusuhin ang prinsipyong ito ng mga kritiko ng simbahan, lalo na tuwing may sinasabi ito tungkol sa mga isyung panlipunan at pampulitika. Sa kaso naman ng pagsisiyasat sa mga pang-aabuso ng isang lider ng simbahan o grupong panrelihiyon, dapat ding itama ang pag-unawa sa separation of church and state. Hindi tinatanggal ng prinsipyong ito ang tungkulin ng ating public officials na magsiyasat sa ngalan ng pagtataguyod ng katotohanan at ng kapakanan ng taumbayan. “No one is above the law,” ‘ika nga. Kahit ang mga lider ng simbahan, anuman ang relihiyon, ay dapat papanagutin sa batas kapag sangkot sila sa krimen. Hindi nila dapat gamitin ang relihiyon.

Mahalagang magkaroon tayo ng tama at sapat na pag-unawa sa kahulugan ng separation of church and state. Dapat din natin itong asahan sa chairman mismo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes. Si Senador Padilla po ito.

Hindi maikakailang impluwensyal na personalidad si Ginoong Quiboloy at lumalampas ito sa mga kasapi ng kanyang grupo. Hanggang sa pulitika, mararamdaman ang tila pagpapahalaga sa kanya ng maraming pulitiko. Ang pagiging bantulot nilang alamin ang katotohanan sa mga lumalabas na isyu laban sa televangelist ay isang patunay. Nakalulungkot ito dahil hindi ba’t ang taumbayan—hindi ang mga kaibigan at kakampi—ang dapat nilang pinapanigan, pinaglilingkuran, at ipinagtatanggol? Ang mga nasa pamahalaan, paalala ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ay dapat na kumikilos sa ngalan ng kabutihang panlahat o common good

Mga Kapanalig, ang paalala ng Panginoon sa mga Israelita sa Exodo 23:6 ay akmang-akma sa ating mga lingkod-bayan ngayon: “Huwag ninyong pagkakaitan ng katarungan ang mahihirap.” Kaakibat ng paggagawad ng katarungang ito ang pagtiyak na kumikiling ang ating mga lider sa sinuman—hindi dahil sa impluwensya, utang na loob, o pagkakaibigan—kundi dahil sa paninindigan para sa kung ano ang totoo, tama, at mabuti. Ito sana ang maging sandigan ng ating mga pinuno, hindi ang maling pag-unawa nila sa mga prinsipyo ng ating mga batas.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 49,858 total views

 49,858 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 55,276 total views

 55,276 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 61,983 total views

 61,983 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 76,776 total views

 76,776 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 82,932 total views

 82,932 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 49,859 total views

 49,859 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 55,277 total views

 55,277 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 61,984 total views

 61,984 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 76,777 total views

 76,777 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 82,933 total views

 82,933 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,782 total views

 41,782 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,366 total views

 52,366 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,583 total views

 60,583 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,816 total views

 44,816 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,792 total views

 50,792 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,885 total views

 53,885 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,590 total views

 43,590 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,478 total views

 44,478 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,781 total views

 59,781 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 72,190 total views

 72,190 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top