PCSO officials, mag-resign na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 581 total reads

Iminungkahi ni dating CBCP President at Lingayen Dagupan Archbishop Oscar Cruz sa Duterte administration na tuluyang buwagin ang operasyon ng jueteng sa bansa.

Ayon kay Archbishop Cruz, kung hindi kayang sugpuin ng mga opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang jueteng ay mainam na magbitiw ang mga ito dahil nasasayang lamang ang suweldong ibinabayad sa kanila ng taumbayan.

Binanggit rin Archbishop Cruz na hindi dapat katakutan ni PCSO General Manager Alexander Balutan ang ilan sa mga malalaking opisyal sa pamahalaan na may kaugnayan sa jueteng dahil nasa panig nito ang Philippine National Police, National Bureau of Investigation at Armed Forces of the Philippines.

“Para sa akin kung hindi nila kayang sugpuin ang isang bagay na iligal ay magbitiw sila. Sapagkat tumatanggap sila ng sweldo ng taumbayan para sa kanilang kabutihan. Kaya naman maraming tao na naloloko at marami namang barangay captain at mga gobernador na yumayaman dahil nga yung mga pobre, pinopobre pa. Mahirap na, niloloko pa.”pahayag ni Archbishop Cruz sa panayam ng Radyo Veritas.

Magugunitang nagsimula ang STL o small town lottery noong 2005 sa layuning wakasan ang jueteng kung saan kumita ng P3 Bilyon sa unang taon nito at nakapagbigay ng trabaho sa 62,500 katao.

Gayunman, sa halip na mabuwag ang jueteng sa pamamagitan ng STL ay lalo pang lumakas ang iligal na sugal.

Samantala, matagal nang tinutuligsa ni Archbishop Cruz ang lahat ng klase ng sugal sa bansa, kabilang na ang jueteng na hanggang ngayon ay talamak pa rin kahit mayroong lotto at Small Town Lottery na parehong pinatatakbo ng PCSO.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,084 total reads

 86,084 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,731 total reads

 163,731 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,179 total reads

 197,179 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,477 total reads

 232,477 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,625 total reads

 455,625 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 298,749 total reads

 298,749 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 409,517 total reads

 409,517 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top