61,329 total views

Mga Kanapalig, napanood ba ninyo ang video ng mga vloggers mula sa South Cotabato kasama ang dalawang tarsier? 

Makikita sa video ang isang vlogger na tumatawa habang hawak-hawak ang isang tarsier. Kausap niya ang may hawak ng camera na noong una ay ipinakikita lamang ang isa pang tarsier na nakakapit sa tangkay ng halaman, ngunit kinuha niya rin ito at pabirong pinangingiti sa harap ng camera. 

Nag-viral ang naturang video, pero matapos umani ng maraming batikos mula sa publiko, binura na ito ng vlogger. Humingi na rin siya ng paumanhin. Ngunit katwiran niya, ililipat lamang daw nila sa gubat ang mga tarsier na napadpad sa kanilang lugar. Kinumpirma naman sa pahayag ng DENR Region XII na naibalik na ang mga tarsier sa gubat. Gayunpaman, pinag-aaralan daw ng ahensya ang mga susunod na hakbang sa insidenteng ito, kabilang ang pagsasampa ng reklamo sa mga vloggers. 

Para kay environmental lawyer Atty. Ester Gertrude Biliran, maituturing na maltreatment ang ginawa ng mga vloggers. Paliwanag niya, hindi dapat hinahawakan at iniistorbo ang mga tarsier. Sila ay mga nocturnal animals na hindi dapat inaabala sa kanilang pagtulog. Marami ring netizens ang nanawagang papanagutin ang mga vloggers. Para sa kanila, hindi dapat ginagamit na content sa social media ang pananakit sa mga tarsier. 

Ayon sa grupong Endangered Species International, kalahati lamang ng mga tarsier na ikinukulong ang nabubuhay. Sensitibong hayop ang mga tarsier at madaling ma-stress sa ingay, liwanag, at iba pang kundisyong iba sa kanilang buhay sa natural nilang tirahan. May mga pagkakataon pa ngang iniuuntog nila ang kanilang ulo hanggang sa mamatay, dahil sa tindi ng stress na kanilang nararanasan.

Labag sa Republic Act No. 9147 o Wildlife Resources Conservation and Protection Act ang pagbibiyahe sa mga wildlife at pagmamaltrato o pananakit sa mga ito. Ang mga napatunayang gumagawa nito ay may parusang sampung araw hanggang isang buwan na pagkakakulong at pagbabayarin ng isa hanggang limanlibong piso, kung ang hayop na sinaktan ay other threatened species (o OTS). Kabilang sa mga OTS ang tarsier. Noong 1997, nilagdaan din ni dating pangulong Fidel Ramos ang Presidential Proclamation No. 1030 na idinedeklara ang mga tarsier bilang “Specially Protected Faunal Species of the Philippines.” Ibig sabihin, dapat pahalagahan at pangalagaan ng publiko at ng pamahalaan ang kalagayan ng mga tarsier at ng kanilang tirahan. 

Ipinaaalala ng mga panlipunang turo ng Simbahan ang tungkulin ng bawat Katolikong pangalagaan at protektahan ang sangnilikha. Inuudyukan tayo ng ating pananampalataya na siguruhing walang nananakit at umaabuso sa mga hayop, halaman, at iba pang may buhay, lalo kung para lamang ito sa pansariling interes o kagustuhan. Ang bawat nilikha ay magkakaugnay. May relasyon sila sa isa’t isa. Sa madaling salita, ang pag-abuso sa anumang nilikha ay may epekto sa biodiversity o mayamang buhay ng kalikasan. Bilang mga “tagapangasiwa sa hardin ng Eden,” pahiwatig nga sa Genesis 2:15, tungkulin nating kumilos upang maitaguyod ang kalusugan at patuloy na paglago ng bawat nilikha. 

Kaya naman, maling gamitin ang sangnilikha, lalo na ang mga threatened species gaya ng mga tarsier, para lamang makakuha ng maraming likes at shares sa social media o para lamang mag-viral at sumikat. Kung magiging content man ang sangnilikha, mas mainam kung tungkol ito sa pangangalaga sa kanila.

Mga Kapanalig, ang nangyaring ito sa South Cotabato ay magsilbi sanang paalala sa lahat vloggers na responsableng gamitin ang kanilang plataporma. Hamon din sa ating mga nakakikita at nanonood ng iba’t ibang content na maging mapanuri sa mga tinatangkilik nating vloggers. Online man o offline, maging mga tunay at mabuti tayong tagapangasiwa ng mayamang harding ipinagkaloob sa atin ng Dakilang Maylika.

Sumainyo ang katotohanan.  

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,758 total views

 37,758 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 43,176 total views

 43,176 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 49,883 total views

 49,883 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 64,677 total views

 64,677 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 70,833 total views

 70,833 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 37,759 total views

 37,759 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 43,177 total views

 43,177 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 49,884 total views

 49,884 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 64,678 total views

 64,678 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 70,834 total views

 70,834 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 40,835 total views

 40,835 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 51,419 total views

 51,419 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 59,636 total views

 59,636 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 43,869 total views

 43,869 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 49,845 total views

 49,845 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 52,938 total views

 52,938 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 42,643 total views

 42,643 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 43,531 total views

 43,531 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 58,834 total views

 58,834 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,243 total views

 71,243 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top