Kamay na bakal, gamitin sa implementasyon ng Ecological Solid Waste Management Act

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 509 total views

Nanawagan si Otchie Tolentino – Zerowaste Campaigner ng Ecowaste Coalition sa Local Government Unit na bigyang diin ang full implementation ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Ayon kay Tolentino, 17 taon na nang maisabatas ito subalit magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naipatutupad ng maayos sa lahat ng mga Barangay lalo na sa Metro Manila.

“Nananawagan muli tayo sa mga Local Government Officials, specially sa mga Barangay officials, sana ay ipatupad na natin ang sinasabi ng batas RA 9003, ang Ecological Solid Waste Management Act kung saan 17 taon nang naipasa pero hindi pa siya hundred percent na na-iimplement at the barangay level.”pahayag ni Tolentino sa Radyo Veritas.

Dagdag pa nito, sinabi ni Tolentino na kung maayos na maipatutupad ang Ecological Solid Waste Management Act, ay mababawasan ang madalas na pagbaha dahil sa mga kanal na barado ng mga basura.

“Pagka-umuulan ng malakas, yung basura nila sa mga bahay-bahay, sinasabay nila sa agos ng tubig na malakas, kaya maaaring kung ganun ang gawi ng mga tao at wala pang waste management sa Barangay nila, or sa municipality, talagang magiging cause yan, makaka-aggravate lalo ng flood.”dagdag pa ni Tolentino.

Ngayong buwan ng Enero ipinagdiriwang ang Zero Waste Month batay sa Presidential Proclamation no. 760, bukod dito, ipinagdiriwang din simula ika 26 hanggang 29 ng Enero ang ika-17 anibersaryo ng pagpasa sa RA 9003.

Ngayong taon, ang selebrasyon ay may temang “Engaging Response to the Changing Environment” at inaasahan na magiging mas aktibo ang pagtugon dito ng mga local na pamahalaan.

Magugunitang sa Laudato Si ni Pope Francis, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran, dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PAG-ASA

 14,499 total views

 14,499 total views Kapanalig, tayong mga Pilipino ay patuloy na kumakapit sa Pag-asa (Hope). Nang ma-appoint si dating DOJ secretary Crispin Remulla na Ombudsman noong October

Read More »

VP Sara

 36,504 total views

 36,504 total views Kapanalig, mayroong kasabihan na walang lihim na hindi nabubunyag! Nabunyag sa pagdinig ng House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment complaint na

Read More »

Itigil ang pagdanak ng dugo

 60,846 total views

 60,846 total views Mga Kapanalig, 19 na katao ang pinagpapatay sa bayan ng Taboso sa Negros Occidental noong ika-19 ng Abril.  Mahigit anim na raang residente

Read More »

Palabas ba ang giyera kontra droga?

 84,810 total views

 84,810 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagdinig ng House Committee on Justice para alamin ang probable cause para ma-impeach si Vice President Sara Duterte. Noong

Read More »

Instrumento ng karahasan

 119,532 total views

 119,532 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 302,330 total views

 302,330 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top