181 total views
Naiisip niyo ba kapanalig ang nagbabagong demograpiya ng Asya?
Ayon sa pinakahuling pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB), tinatayang aabot ng 923 million ang mga elderly sa buong Asya sa kaligitnaan ng century o sandaang taon na ito. Ang ating rehiyon ay magiging pinakamatanda sa buong mundo.
Maraming mga implikasyon ang pagbabagong ito.
Unang una, handa ba ang mga bansa gaya ng Pilipinas na harapin ang mga kalakip na isyu ng pagbabago na ito?
Isipin na lamang natin kapanalig ang pension ng mga retirado. Ang majority ba ng ating mga magiging elderly ay nakapaghanda ba ng angkop para sa kanilang pagtanda? Mayroon ba silang retirement fund na magagamit sa panahong hindi na nila kayang makapagtrabaho?
Handa rin ba ang mga pamahalaan gaya ng Pilipinas na tugunan at lagyan ng pondo ang pension ng mga retirado? Ngayon pa lamang nga, hindi ba’t naging isyu na ang kakulangan ng pension ng mga elderly? Hindi ba’t ito ay nakakapanghati o naging divisive sa ating bayan noong ito ay hitik na hitik?
Pangalawa, para sa maiiipit na henerasyon kung saan mas marami ang matanda habang maaring dumami din ang mga batang isisilang, handa rin ba sila na harapin ang natatangi nilang responsbilidad sa malapit na darating ng panahon?
Marami tayong dapat gawin kapanalig. Kailangan natiin pataasin ang awareness ukol sa financial literacy upang tayo ay mas makapaghanda sa ating mga darating na pangangailangan na sasabayan na ng paghina ng ating katawan. Kailangan din makapaghanda ang pamahalaan hindi lamang para sa pondo kundi na rin para sa mga pasilidad at imprastraktura na makakapagbigay pa ng maayos at ibayong serbisyo hindi lamang sa elderly kundi sa lahat ng mamamayan.
Ang tumatandang Asya ay hindi kailangang maging problema. Ito ay isang oportunidad ng pagmamahal. Ayon nga kay Pope Francis sa kanyang Address to the Meeting of the International Federation of Catholic Medical Associations noong 2013: Lahat tayo ay tinatawag na kilalanin ang mukha ni Kristo sa bawat bulnerbale at mahihina nating kapwa gaya ng mga elderly o matanda. Kahit pa sila ay may sakit o naghihina, ang kanilang mukha ay mukha ng ating Panginoon. Hindi dapat sila pabayaan. Hindi dapat sila isawalang bahala.