Kamay na bakal, gamitin sa implementasyon ng Ecological Solid Waste Management Act

SHARE THE TRUTH

 413 total views

Nanawagan si Otchie Tolentino – Zerowaste Campaigner ng Ecowaste Coalition sa Local Government Unit na bigyang diin ang full implementation ng RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act.

Ayon kay Tolentino, 17 taon na nang maisabatas ito subalit magpahanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin naipatutupad ng maayos sa lahat ng mga Barangay lalo na sa Metro Manila.

“Nananawagan muli tayo sa mga Local Government Officials, specially sa mga Barangay officials, sana ay ipatupad na natin ang sinasabi ng batas RA 9003, ang Ecological Solid Waste Management Act kung saan 17 taon nang naipasa pero hindi pa siya hundred percent na na-iimplement at the barangay level.”pahayag ni Tolentino sa Radyo Veritas.

Dagdag pa nito, sinabi ni Tolentino na kung maayos na maipatutupad ang Ecological Solid Waste Management Act, ay mababawasan ang madalas na pagbaha dahil sa mga kanal na barado ng mga basura.

“Pagka-umuulan ng malakas, yung basura nila sa mga bahay-bahay, sinasabay nila sa agos ng tubig na malakas, kaya maaaring kung ganun ang gawi ng mga tao at wala pang waste management sa Barangay nila, or sa municipality, talagang magiging cause yan, makaka-aggravate lalo ng flood.”dagdag pa ni Tolentino.

Ngayong buwan ng Enero ipinagdiriwang ang Zero Waste Month batay sa Presidential Proclamation no. 760, bukod dito, ipinagdiriwang din simula ika 26 hanggang 29 ng Enero ang ika-17 anibersaryo ng pagpasa sa RA 9003.

Ngayong taon, ang selebrasyon ay may temang “Engaging Response to the Changing Environment” at inaasahan na magiging mas aktibo ang pagtugon dito ng mga local na pamahalaan.

Magugunitang sa Laudato Si ni Pope Francis, binigyang diin nito ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran, dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang nagmimistulang malawak na tambakan ng basura ang daigdig.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gawing viral ang katotohanan

 393 total views

 393 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Pakikiisa sa mga imigrante

 15,213 total views

 15,213 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,733 total views

 32,733 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 86,306 total views

 86,306 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 103,543 total views

 103,543 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,505 total views

 22,505 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 153,160 total views

 153,160 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 97,006 total views

 97,006 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top