168 total views
Magpapadala ng karagdagang pondo ang Caritas Manila para ipambili ng fiberglass boat na gagamitin sa rescue and relief operations sa mga biktima ng kalamidad sa Mindanao.
Ito ang agarang tugon ni Rev. Fr. Anton C.T. Pascual sa kahilingan ni Rev. Fr. Emerson Luego, Social Action Center director ng Diocese of Tagum at officer-in-charge for Caritas Visayas and Mindanao Operations.
“We will still send more fiber boats, baka merun gagawa sa Davao ng fiber boats baka we can order na rin for Mindanao operation. We will just send funds for additional fiberglass boats for Caritas Damayan for Mindanao church disaster operations.” pahayag ni Fr. Pascual.
Una ng sinabi ni Fr. Luego na sa lawak ng mga apektado ng pagbaha sa mga lugar na sakop ng Diocese of Tagum ( Davao del Norte at Compostela Valley) maraming lugar ang nanghihiram ng kanilang fiberglass boat na una ng ibinigay ng Caritas Manila subalit hindi nila ito maibigay dahil kanila itong ginagamit.
“May fiber boat tayo na ginagamit ngayon courtesy of Caritas Manila , malaki ang tulong nito, sa SAC office ng Tagum, malaki at marami ang nasasakay, kaya nagpapasalamat kami at nabigyan kami nito. Nagkita kami ni Fr. Anton last week, kung maari madagdagan sana yung fiber boat dahil ang Tagum ginawang center for business establishment of Mindanao, at tumawag ang Butuan archdiocese nanghihiram sa amin, so problema kasi mahirap ipahiram dahil kami din continues ang rescue namin, inuuna namin mga bata sa rescue.” pahayag ni Fr. Luego sa panayam ng Radio Veritas.
Kaugnay nito, ayon kay Fr. Luego, matindi pa rin ang trapik sa national highway dahil sa lalim ng baha kaya’t malalaking sasakyan lamang ang pinapayagang tumawid kung saan mga bubong na lamang ng mga bahay ang makikita sa baba ng highway.
Sa nakalap na data ng SAC ng Tagum, nasa 60, 000 pamilya ang apektado ng baha sa Davao del Norte at 51, 000 naman sa Compostela Valley na nasa evacuation centers habang ang iba ay nagsiuwian na sa kanilang mga bahay.
“Kahapon matindi ang traffic sa national highway, light vehicle hindi pinayagan tumawid malalim ang tubig, lahat ng daan sa Davao del Norte papunta sa mga bayan elevated na, ang baba nito yung mga bubong ng bahay ang makikita na lang, madaming evacuees hanggang kagabi, sa Davao del Norte alone 60,000 families, sa Compostela Valley 51,000 mga evacuees na nasa mga paaralan.” ayon pa sa pari.
Samantala, patuloy ang panawagan ng tulong ng diocese para sa pagkain, inuming tubig at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng baha.
Ayon kay Fr. Luego, sa unang bugso pa lamang ng kalamidad, nagpadala na agad ng tulong ang Caritas Manila.
“Sa first round, itong baha in a span of 2 weeks second round na ito, nung unang linggo nagpadala ng tulong ang Caritas Manila, yung pangalawa ito yung pinaka-malaki na tama sa amin kaya nananawagan kami sa mga taga Maynila na maaaring makatulong kayo sa Caritas Manila at Radyo Veritas para maipahatid natin sa mga kababayan natin dito sa Mindanao partikular sa Tagum, sigurado naman na ang tulong ninyo ay makaaabot sa mga apektado.” ayon pa sa pari.