Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Say no to divorce, panawagan ng Obispo sa mamamayan

SHARE THE TRUTH

 18,808 total views

Manindigan sa kasagraduhan ng kasal at pamilya sa kabila ng mga taliwas na opinyon ng iba o ng mas nakararami.
Ito ang panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy kaugnay sa usapin ng pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas.
Ayon sa Obispo, ang moralidad at paninindigan sa isang usaping panlipunan ay hindi dapat na ibatay sa pananaw ng kapwa sa halip ay sa pansariling paniniwala at pagtanaw sa mga turo at Mabuting Salita ng Diyos.
Paliwanag ni Bishop Uy, ang pagpabor ng mas marami sa isang usapin ay hindi nangangahulugan na ito ang tama at nararapat kaya naman mahalaga ang paninindigan ng bawat isa lalo’t higit ng mga Katoliko upang higit na maibahagi sa mas nakararami ang kasagraduhan ng matrimonyo at ng sinumpaang pangako ng mga nag-iisang dibdib sa harapan ng Diyos.
“SAY NO TO DIVORCE EVEN IF IT HAS THE APPROVAL OF MANY. Morality cannot be measured by numbers. Just because many favor it doesn’t make it right. Remember, more have chosen Barabbas over Christ. Often, doing what is right is difficult and not favored by many.” Pahayag ni Bishop Uy.
Matatandaang ika-22 ng Mayo, 2024 ng ipinasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill 9349 o Absolute Divorce Bill na nagsusulong sa pagsasabatas ng diborsyo sa bansa kung saan 131 mambabatas ng bumuto pabor sa nasabing panukalang batas habang 109 naman ang tumutol at 20 ang nag-abstain.
Sa kasalukuyan tanging ang Pilipinas na lamang ang natatanging bansa sa buong daigdig bukod sa Vatican na walang umiiral na batas na nagpapahintulot ng diborsyo matapos na gawin na ding legal sa bansang Malta ang diborsyo noong taong 2011.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maghahari pa kaya ang kapayapaan?

 3,851 total views

 3,851 total views Mga Kapanalig, kung gusto natin ng kapayapaan, magsumikap tayo para sa katarungan. “If you want peace, work for justice!” Ito ang paalala ni

Read More »

PH JOB CRISIS

 39,024 total views

 39,024 total views Nakapahirap maghanap ng trabaho., mas lalong mahirap makapasok ng trabaho… Ito ang katotohanan… ang nangyayari… ito ang reyalidad sa Pilipinas, Kapanalig. Ang nakakadismaya

Read More »

WE CANNOT STOP, WE CANNOT GO BACK

 46,465 total views

 46,465 total views Kapanalig, nasaksihan natin bago at sa gitna ng CONCLAVE… hati ang maraming katoliko sa buong mundo, conservative ba o liberal ang mapipiling Santo

Read More »

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 47,785 total views

 47,785 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 60,253 total views

 60,253 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top