Ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa NEDA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,190 total reads

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, ibinalita ng National Economic and Development Authority o NEDA na lumago nang 6.8 percent ang ekonomiya ng bansa sa taóng 2016. Pagmamalaki ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, pasók ito sa target ng pamahalaan na 6 hanggang 7 porsyentong paglago ng gross domestic product o GDP. (Ang GDP ay tumutukoy sa halaga ng lahat ng produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng bansa. Para mas madaling matandaan, ang GDP ay tumutukoy sa mga “Gawâ Dito sa Pilipinas.”)
Balik tayo sa magandang balita ng NEDA: Ang naitala nating GDP growth rate noong 2016 ang sinasabing pinakamabilis na paglago ng ekonomiya na naitala sa Asya noong 2016. Hindi man niya lantarang kinilala ang pagsisikap ng nakaraang administrsayon, ibinida din ni Secretary Pernia na mula noong 2010, umaangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.3 percent taun-taon. Ito na raw ang pinakamasiglang yugto sa ating ekonomiya sa loob ng 40 taon.

Kaya naman naniniwala rin ang NEDA na posibleng maabot ng bansa ang GDP growth rate na mula 6.5 hanggang 7.5 porsyento na siyang target ng ahensya para sa taóng kasalukuyan. At kung patuloy ang pagiging masigla ng ating ekonomiya sa susunod na anim na taon, bababa daw ang poverty incidence o ang porsyento ng ating populasyon na maituturing na mahirap. Mula 21.6 percent noong 2015, maaaring bumaba ang poevrty incidence hanggang 14 percent sa 2022. Naniniwala ang NEDA na hahanguin ng maunlad na ekonomiya ang anim na milyong Pilipino mula sa kahirapan.
Hindi naman puro magagandang balita ang ipinahayag ng NEDA noong isang linggo. Halimbawa, kahit na nakapag-ambag nang malaki sa ekonomiya ng bansa noong nakalipas na taon ang services sector (gaya ng transportasyon at komunikasyon) at ang industrial sector (gaya ng pagmimina, manufacturing, at construction), bumagsak pa lalo ang ambag ng agricultural sector sa ating ekonomiya. Negative ang growth rate kung pagsasama-samahin ang halaga ng mga ani ng ating mga magsasaka at mangingisda. Higit pa raw nakakabagabag ang patuloy na pagbagsak ng produksyon ng pangisdaan sa nakalipas na pitong sunud-sunod na taon (maliban na lamang noong 2013). Ito raw ay epekto ng mga bagyong “Karen” at “Lawin” noong huling bahagi ng 2016. Gayunpaman, umaasa si Secretary Pernia na makatutugon ang sektor ng pagsasaka, hindi lang sa mga bagyong darating sa bansa, kundi kahit na sa malaking hamong dulot ng pagbabago sa klima tulad ng El Niño.

Nakalulungkot, mga Kapanalig, na sa likod ng maunlad na ekonomiya ng bansa sa loob ng pitong taon ay ang patuloy na paghina ng sektor ng agrikultura. Kung walang naiaambag ang isang sektor ng lipunan sa ekonomiya, wala rin itong kita. Kaya nga’t hindi nakakagulat malaman na kabilang ang mga magsasaka at mangingisda sa mga pinakamahihirap na sektor ng ating populasyon. Kung nais talagang bigyang pansin ng pamahalaan ang pag-unlad ng lahat ng sektor ng bansa, sana ay mabigyang-pansin din ang kabuhayan ng mga kapatid nating magsasaka at mangingisda. Higit silang nangangailangan, lalo na’t patuloy ang pagpasok ng mga gulay, prutas, at isdang mula sa ibang bansa.

Ito ang turong ipinapaalala sa atin ng Simbahan: Ang tunay na pag-unlad ng bansa ay hindi lamang mababatay sa paglago ng ekonomiya. Isinasaalang-alang din dapat nito ang kapakanan ng lahat ng tao, lalo na ang mga mahihirap. Ang tunay na kaunlaran ay walang iniiwan.

Sa pagtatapos ng pahayag ni Secretary Pernia, sinabi niya na sa susunod na buwan, ilulunsad na ang Philippine Development Plan o PDP para sa 2017 hanggang 2020. Nakapaloob dito ang plano ng pamahalaan upang makamit ng lahat ang isang “matatag, maginhawa at panatag na buhay” para sa mga Pilipino. Harinawa, maisakatuparan ang lahat ng kanilang mga plano lalo na para sa mga magsasaka at mangigisda.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 73,553 total reads

 73,553 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,058 total reads

 152,058 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,506 total reads

 185,506 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,803 total reads

 220,803 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 444,352 total reads

 444,352 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 73,554 total reads

 73,554 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 152,059 total reads

 152,059 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 185,507 total reads

 185,507 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 220,804 total reads

 220,804 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top