312 total views
Ito ang mensahe ni Digos Bishop Guillermo Afable, liason officer for Fatima Centennial celebration sa national launching ng 100-years apparition ng Our Lady of Fatima sa Diocese ng Malolos.
Ayon kay Bishop Afable, malaking mensahe ng pagde-debosyon sa mahal na birhen ng Fatima ang magdala ng kapayapan sa ating lipunan.
Sinabi ng Obispo na mula sa ibat-ibang krimen, mga karahasan at kaguluhan sa Mindanao at iba pang bahagi ng bansa ay malaking hamon sa mga Katoliko na magdala ng kapayapaan at hindi kaguluhan.
Iginiit ng Obispo na mahalagang bumalik tayo sa basics of our faith upang madala natin ang kapayapaan sa ating bansa sa pamamagitan ng paghihilom ng sugat sa bawat Filipino.
“The apparition of Our Lady of Fatima, I realized na we need to go back to the basics of our faith, the basis of the gospel of Jesus Christ. It requires for a response from us and what is the response? One is rejection or denial or indifference or selective response. We hope that this year as a centennial, learn live and spread the message of Fatima. It is relevant, mas urgent dahil mas grabe ang sitwasyon ngayon, ang rape ngayon normal na. Yung mabuti naging masama, at ang masasama ginagawang mabuti.Yung langit, ginagawang impiyerno.”pahayag ni Bishop Afable.
Nilinaw ni Bishop Afable na sa pamamagitan ng ating pagdedebosyon at pananampalataya bilang katoliko ay manaig ang kultura ng paninindigan sa tama at hindi ang pagbaluktot sa katotohanan.
Binigyan diin ng Obispo ang malaking hamon sa mga deboto ng mahal na birhen ng Fatima ang makabagong giyera na kinakaharap ng bansa ang “war on family” na humaharap sa banta ng divorce at abortion.
“We’re in 3rd world war, different kinds of war. The last war is in marriage and in the family and that is exactly where we at. Right now, tayo na lang country sa mundo na hindi pa nile-legalized ang divorce at abortion. But still a continuing battle because now with the RH law maraming possibilities diyan.”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.
Tinukoy ni Bishop Afable ang problema ng peace and order sa Mindanao na nangangailangan ng malalim na paghahayag ng pagde-debosyon at pananamplataya.
“In the aspect of peace, it is urgent to bring peace. One peace agreement in the Moro, it did not work, it will not work again because peace is not brought about by signing and picture taking. If the minds and hearts, the soul spirit of the stakeholders are not healed, lalabas yan mag-aaway ulit. The message of Fatima that provide the word to bring about redemption and salvation.”paglilinaw ng Obispo.