20,258 total views
Ipinanalangin ng Obispo ng San Jose ang mga pasahero ng bus na naaksidente sa Carranglan, Nueva Ecija
noong Martes.
Ipinagdarasal ni CBCP-Episcopal Commission on Catechesis and Catholic Education San Jose Bishop Roberto Mallari na yakapin ng mapagmahal na preseniya ng Diyos ang kaluluwa ng 35-pasahero na nasawi sa bus accident.
Ipinanalangin din ng Obispo na bigyan ng matatag na kalooban ang mga naiwang mahal sa buhay ng mga namatay sa aksidente.
“Ama naming pinanggalingan ng aming buhay sa Iyong mga kamay ay inihahabilin namin ang aming mga kapatid na namatay sa bus accident dito sa amin sa Nueva Ecija. Yakapin mo po sila sa inyong mapagmahal na presensiya. Patawarin sa kanilang mga kasalanan at tanggapin sila sa iyong walang hanggan kaharian sa kalangitan. Bigyan mo po ng matatag
na kalooban ang kanilang mga pamilya at ikaw na sana ang magbigay ng lahat ng kailangan nila sa mga sandaling ito.
Ang lahat ng ito ay hinihiling namin sa ngalan ni Hesus na aming panginoon. Amen.”panalangin ni Bishop Mallari
Umaapela naman si Bishop Mallari sa mga bus operators at drivers na gawin ang lahat ng safety precautions sa
kanilang mga masasakyan bago bumiyahe dahil buhay ng mga pasahero ang nakasalalay.
Nakikiusap din si Bishop Mallari sa mga operator at driver na iwasan ang “overloading” o magsakay ng sobra-sobrang pasahero upang makaiwas sa road accidents.
“Sa mga bus operators at drivers, sana po ay gawin ang lahat ng safety precautions para sa ikabubuti ng mga pasahero natin bago pa umalis ang bus sa mga bus station. Huwag pong magsakay ng sobra sa dapat.”panawagan ni Bishop Mallari
Nabatid na 70-pasahero ang sakay ng Leomarick Trans mini-bus na 45 lamang ang passenger capacity ng mahulog
ito sa bangin.