23,727 total views
Lubos ang kagalakan at pasasalamat ng kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mga blood donors sa ipinagkaloob na regalong buhay para sa kanyang kaarawan.
Ayon kay Cardinal Tagle,napakagandang ipagdiwang ang kaarawan sa pamamagitan ng pagbibigay buhay sa iba sa pamamgitan ng blood letting o donasyon ng dugo.
Sa pamamagitan nito, pinapurihan ni Cardinal Tagle ang Diyos na nagbibigay buhay.
Inihayag ng Kardinal ang pasasalamat sa “makabuhay na adhikain” na ito ng mga blood donors sa kaniyang kaarawan.
“Salamat po sa mga nakibahagi sa blood letting sa araw na ito. Idinaos ito bilang regalo sa aking kaarawan. Napakaganda na ipagdiwang ang buhay sa pamamagitan ng pagbibigay-buhay sa iba. Papuri sa Dios na nagbigay-buhay. Salamat sa inyong maka-buhay na adhikain.”pasasalamat ni Cardinal Tagle
Itinuturing ng Philippine Red Cross na mga bayani ang mga blood donors dahil nagbibigay ito ng buhay para sa mga nangangailangan na may karamndaman.
Base sa datus ng PRC, 118-units ng dugo ang kinakailangan kada oras o 2,832 blood units kada araw
at 1-million blood units kada taon sa bansa.
Ayon sa PRC, tanging 771,000-blood units lamang ang kanilang nakolekta noong nakaraang taon.