Sumalo farmers, umaasang makauwi na sa kanilang pamilya sa Bataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 374 total views

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mga magsasaka ng Barangay Sumalo, Hermosa, Bataan na aaksiyunan ng Department of Agrarian Reform ang injustice na kanilang dinaranas.

Inaasahan ng mga Sumalo farmer na magiging mabilis ang gagawing pag-iimbestiga ng D-A-R sa kontrobersiyal na pag-angkin sa kanilang 213-hektaryang lupang sakahan.

Tiwala si Sumalo barangay captain Rolly Martinez na sa susunod na linggo ay magpapadala ng taskforce ang D-A-R sa Bataan upang makipagdayalogo sa Riverforest Development Corporation na kasalukuyang nagmamay-ari ng lupa na mahabang panahong sinaka ng mga mamamayan ng Sumalo.

Pinanghahawakan din ng Sumalo farmers ang pangako ni Agrarian Secretary Rafael Mariano na tutulungan ang mga magsasaka na muling maani ang mga pananim na kasamang binakuran ng kumpanya gayundin ang pagharap sa mga kaso bunga ng pakikipaglaban sa kanilang karapatan.

Naninindigan si Martinez kasama ang daan-daang magsasaka na hindi sila titigil hangga’t hindi nakakamtan ang hustisya at muling maipagkakaloob sa kanila ang lupaing mahigit walong taon na nilang ipinaglalaban.

“Sana naman maging makatotohanan yung mga pagmi-meeting at dayalogo namin sa DAR dahil ayaw na rin naman po namin na nakabilad kami rito sa harap ng DAR. Nananawagan din kami sa Malacañang na sana tulungan kami at madaliin na ang kaso na ito na talagang nagpapahirap sa mga tao. Hangga’t wala po kaming nakikitang nangyayari base sa mga napag-usapan, baka po dito muna kami sa DAR,” apela ni Martinez.

Sa kasalukuyan ay namamalagi sa covered court ng D-A-R ang mga magsasaka habang hinihintay ang resolusyon sa kanilang hinaing at ang mabilis na pag-aksyon ng kagawaran.

Magugunitang nagsimula noong ika-29 ng Mayo ang pagmamartsa ng nasa 150 magsasaka ng Barangay Sumalo mula Bataan patungo sa tanggapan ng DAR upang ipakita sa pamahalaan ang social injustice na kanilang nararanasan.

Read: Pakikisabwatan ng DAR Bataan sa isang development corporation, inalmahan

Una nang ipinaalala ng Kanyang Kabanalan Francisco na habang lumalago ang ekonomiya ng isang bansa ay mas napapangalagaan din dapat ang karapatan ng maliliit na tao at indigenous groups sa kanilang lupang tinubuan.

 

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 20,417 total views

 20,417 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 90,530 total views

 90,530 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 165,144 total views

 165,144 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 245,222 total views

 245,222 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 287,540 total views

 287,540 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 143,063 total views

 143,063 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 308,872 total views

 308,872 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top