Mataas na blood pressure at labis na pag-aalala, problema ng Marawi evacuees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Pagtaas ng blood pressure at labis na pag-aalala ang mga pangunahing problema ng mga nagsilikas mula sa Marawi City na pansamantalang nanunuluyan sa apat na evacuation center sa Iligan City.

Ayon kay Fr. Albert Mendez, Social Action Center Director ng Diocese of Iligan, mas mainit ang klima sa Iligan na hindi nakasanayan ng taga-Marawi kaya’t marami sa mga evacuees ang tumataas ang presyon.

Dulot din ng labis na pag-aalala at pangamba sa kanilang kalagayan ang nagiging sanhi ng iba pang karamdaman ng mga bakwit ng Marawi.

Sa kabuuang 83 evacuation centers, apat sa mga ito ay nasa Iligan City habang ang mas malaking bahagi ng mga evacuees ay nasa mga kaanak pansamantalang nanunuluyan.

Bukod sa pagkain, tubig, gamot, kailangan ng mga evacuees ang mga folding bed at thermos.

“Ganun yung mga hinihiling nila. Yung iba sabi Father, marami na kaming pagkain pero yung pagkain namin ayaw na namin nung mga de lata. Sana yung mga darating dito, kahit yung daing okay na ‘yun. Tsaka naghahanap sila ng mga gulay dahil itong mga tao ang kinakain nila sa Marawi ay gulay,” ayon kay Fr. Mendez sa panayam ng Radio Veritas.

Paliwanag ni Fr. Mendez, kailangan ang mga folding bed para sa mga bata at matatanda upang hindi na matulog sa semento na hindi nakakabuti sa kanilang kalusugan.

Sa ulat ng Department of Health, may 24 na evacuees mula sa Marawi ang nasawi sanhi ng iba’t ibang karamdaman.

Dahil dito, hinikayat ni Department of Health (DOH) Secretary Jean Ubial ang lahat ng mga biktima ng Marawi crisis na magtungo na sa pagamutan at Health Centers kung sila ay may karamdaman.

Sa panayam ng Radio Veritas, inihayag ni Ubial na sagot ng PhilHealth at ng D-O-H ang mga gastusin ng mga pasyente na biktima ng digmaan sa Marawi.

Ang panawagan ni Ubial ay para na rin sa 85 porsiyentong evacuees o higit sa 200 libo katao na nasa kani-kanilang mga kamag-anak at wala sa 83 evacuation centers na itinalaga ng gobyerno.

Inamin ni Ubial na hindi sapat ang may 100 medical personnel ng DOH na mabantayan ang mga home based evacuees kaya’t ang mga ito na ang dapat na magkusa na magtungo sa pagamutan.

Sa hiwalay na panayam, binigyan diin ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña ang katatagan ng mga taga-Marawi na isang simbolo ng pagiging Filipino sa pagharap sa suliranin at ang sama-samang pagbangon mula sa kawalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 5,430 total reads

 5,430 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 40,726 total reads

 40,726 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 77,210 total reads

 77,210 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 95,421 total reads

 95,421 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 179,469 total reads

 179,469 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top