Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Hindi pagpapahalaga sa mga magsasaka, dahilan ng food shortage sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 818 total views

Nanindigan ang Philippine Network of Food Security Programmes, Incorporated (PNFSP) na ang mababang budget ng Department of Agriculture (DA) at kawalang pagpapahalaga sa mga magsasaka ang ugat sa kakulangan ng suplay ng bigas sa Pilipinas.

Ayon kay P-N-F-S-P Executive Director Sharlene Lopez, kung mabibigyan lamang ng lupang sakahan ang mga magsasaka at madaragdagan ang pondo ng D-A ay malaki ang posibilidad na maging “rice self-sufficient ang bansa sa loob ng tatlong taon.

“Yung pagbaba ng budget na nakalaan para sa agrikultura, yun ang may mas malaking impact sa mga magsasaka. Ang panawagan nga namin ay lakihan ang budget ng gobyerno na nakalaan para sa mga magsasaka para mabigyan ng sapat na services, farm to market roads, pre and post harvest facilities yung mga magsasaka. Kasi kahit ma-ban yung unli rice ay hindi naman yon magkakaroon ng significant impact para makamit yung rice self-sufficiency,”pahayag ni Lopez.

Mababatid na bumaba ng tatlong bilyong piso ang budget ng DA mula sa 48.9-bilyon noong 2016 sa 45.3-bilyong piso budget ngayong taon.

Binigyang-diin din ni Lopez na kung kakalas ang Pilipinas sa pagiging miyembro ng World Trade Organization at mas tutukan ang tanim ng mga Filipinong magsasaka ay hindi kakailangain pang mag-angkat sa ibang mga bansa.

Sa isinagawang pagdinig sa senado tungkol sa rice importation, ipinanukala ni Senator Cynthia Villar ang pagtatanggal ng unlimited rice promos sa mga fast food chains dahil nakapagdudulot ng sakit ang pagkain ng ‘well-milled rice’ at pagsuporta sa layunin ng D-A na matamo ng bansa ang kasapatan sa suplay ng bigas sa taong 2020.

Isa din sa mga dahilan ng kakulangan sa supply ng bigas ang laganap na corruption sa pagitan ng mga opisyal ng gobyerno at mga ahensiya na dapat nagsusulong sa magandang kalagayan ng mga magsasaka at repormang agraryo.

Read: http://www.veritas846.ph/pakikisabwatan-ng-dar-bataan-sa-isang-development-corporation-inalmahan/

Sa kanyang mensahe sa National Federation of Farmers ng Italya, kinilala ni Pope Francis ang kahalagahan ng mga magsasaka dahil hindi mabubuhay ang tao kung wala ang kanilang paghihirap at presensya.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,214 total views

 5,214 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,801 total views

 21,801 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,170 total views

 23,170 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,840 total views

 30,840 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,344 total views

 36,344 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 90,698 total views

 90,698 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 86,750 total views

 86,750 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, wala na sa katinuan

 33,352 total views

 33,352 total views Hinamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP Episcopal Commission on the Laity si pangulong Rodrigo Duterte na tingnan muna ang

Read More »
Politics
Veritas Team

Martial law hindi na kailangan

 33,363 total views

 33,363 total views Ito ang panawagan ni Kidapawan Bishop Jose Collin Bagaforo sa panukalang palawigin o i-extend muli ang batas militar sa Mindanao. Iginiit ni Bishop

Read More »
Politics
Veritas Team

Pangulong Duterte, Walang moral authority

 33,367 total views

 33,367 total views Walang karapatan ang Pangulong Rodrigo Duterte na magsabi sa pagtataguyod ng karapatang mabuhay gayung may higit na sa 20,000 ang napatay sa Anti-drug

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top