26,120 total views
Ito ang panawagan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isinasagawang cross-country “Lakbay-Buhay” o march caravan for life laban sa death penalty bill na isinusulong sa Senado.
Para lalong patatagin at palawakin ang pagpapahalaga sa buhay, nagpalabas ng circular letter si Cardinal Tagle para sa lahat ng parokya sa arkidiyosesis ng Maynila na makiisa at lumahok sa gagawing inter religious prayer at holy mass sa University of Sto.Tomas ground sa Espana, Manila ganap na alas-kuwatro ng hapon(4PM) sa ika-21 ng Mayo 2017.
“We are inviting you to the Eucharistic Celebration of Lakbay-Buhay to be held on the grounds of the University of Sto. Tomas on May 21, 2017. There will be an educational program at 4:00 PM to be followed by the Mass at 5:00 P.M.”bahagi ng circular letter ni Cardinal Tagle
Ayon kay Cardinal Tagle, ang Lakbay-Buhay laban sa death penalty bill ay inisyatibo ng iba’t- ibang grupo kasama ang Simbahang Katolika upang isulong ang kamalayan hinggil sa pagpapahalaga sa buhay at pagtutol sa muling pagbabalik ng parusang kamatayan sa bansa.
Inihayag ni Cardinal Tagle na ang kauna-unahang march caravan for life ay nagsimula sa Cagayan de Oro sa rehiyon ng Mindanao na magtatapos sa Senado ay isang education pilgrimage upang magkaroon ng kaalaman ang publiko na labanan ang iba’t-ibang krimen sa lipunan sa pagsusulong ng restorative justice at hindi death penalty.
“Lakbay Buhay is an initiative of various groups of laypeople to promote awareness and involvement regarding issues of life, especially the re-imposition of the death penalty. The march that started in Mindanao to end up in the Philippine Senate gives us an opportunity to find ways of fighting crimes, for all crimes violate life, but without resorting to measures that also violate life, like capital punishment.”pahayag ni Cardinal Tagle
Ipinagdarasal ng Kardinal na sa pamamagitan ng sama-samang pagninilay at pagdarasal ay manaig sa Pilipinas ang kultura ng buhay at hindi ang kultura ng kamatayan tulad ng capital punishment.
“With personal and collective study, prayer, discernment and action, we hope to be a people that promote a culture of life. May the Lord, through the prayers of the Blessed Mother, St. Lorenzo Ruiz and St. Pedro Calungsod, bless the Filipino people”.panalangin ni Cardinal Tagle
Nagsimula noong ika-4 ng Mayo ang Lakbay-Buhay march caravan for life sa Cagayan de Oro city patungong Cebu city, Sorsogon, Naga city, Legazpi city sa Albay.
Kahapon ika-15 ng Mayo, ang march caravan for life na pinangungunahan ng 15 Lakbayers kasama ni running priest Father Robert Reyes ay dumaan ng Gumaca, Lucena city pababa sa Diocese ng San Pablo Laguna.
Bukas ika-17 ng Mayo, dadaan ang march caravan sa Lipa city Batangas at tutungo ng Diocese of Imus.
Sa ika-19 ng Mayo, tatanggapin ng Ateneo de Manila University ang mga Lakbayers kung saan sila pansamantalang manunuluyan hanggang sa matapos ang march caravan sa ika-24 ng Mayo sa pamamagitan ng prayer rally at pagdaraos ng banal na misa sa Senate of the Philippines grounds