Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangako para sa kalikasan, dapat tuparin ng Pangulong Duterte.

SHARE THE TRUTH

 499 total views

Hinimok ng Green Thumb Coalition ang sambayanang Filipino na kumilos at protektahan ang kalikasan.

Ayon kay Fr. Pete Montallana – chairperson ng Save Sierra Madre Network Alliance, kinakailangan nang kumilos ang bawat mamamayan upang simulan ang pagbabagong inaasam para sa kalikasan.

Paliwanag ng pari, dapat magmumula sa pagkatao ng isang tao ang pagbabago at pagpapahalaga sa kalikasan para sa susunod na henerasyon.

“Gumising na ang lahat magsama-sama na tayo na ipagtanggol an gating kalikasan kasi tayo lang naman talaga ang makakapagbago ng ating bansa, hindi ang sinumang administrasyon. Once we are really involve na proteksiyunan ang ating environment mababago natin ang ating bansa,” pahayag ni Fr.MOntallana sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, hinimok naman ni Oyette Zacate – Secretary General ng grupong Oriang si Pangulong Rodrigo Duterte na dinggin ang panawagan ng mamamayan at tugunan ang mahabang panahon nang paghihirap ng mga Filipino dahil sa pagkasira ng kalikasan.

“Challenge sa pamahalaan ni Digong na patunayan niya yung pagbabago na kanyang sinasabi hindi puro salita lang. Ang totoong kalagayan ng tao ang totoong nararamdaman ng tao yun ang [dapat] gagawin n’ya kasi,” bahagi ng pahayag ni Zacate sa Radyo Veritas.

Una nang nanawagan ang G-T-C kay DENR secretary Roy Cimatu na ipagpatuloy ang sinimulan ni Gina Lopez at ipasara ang 23 minahang bumagsak sa mining audit noong nakaraang taon.

Samantala, naniniwala si Fr. Montallana na bagamat maraming kinasangkutang alegasyon si Cimatu ay posible pa rin itong baguhin ng Panginoon.

Nauna rito, itinuturing ng CBCP-NASSA/Caritas Philippines na neophyte si Cimatu sa usapin ng kalikasan.

Read: Cimatu, neophyte sa environmental issues.

Magugunitang binigyang diin sa katuruang panlipunan ng Simbahan na mahalagang walang pansariling interes na pinoprotektahan ang mga pinuno ng pamahalaan at ng bawat ahensya.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Awa at hustisya

 11,467 total views

 11,467 total views Mga Kapanalig, nagdesisyon na ang International Criminal Court (o ICC) hinggil sa apela ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang

Read More »

Hanggang saan aabot ang ₱500 mo?

 51,178 total views

 51,178 total views Mga Kapanalig, bahagi na ng kulturang Pilipino tuwing Pasko ang noche buena. Naghahanda tayo ng espesyal na pagkain—kahit simple lang—para ipagdiwang ang kapanganakan

Read More »

PORK BARREL

 111,883 total views

 111,883 total views Kapanalig, bakit katakam-takam ang Pork barrel funds? Bakit nababaliw ang mga mambabatas sa pork barrel? Noong 2013, idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional

Read More »

THE CONDUCTOR

 124,235 total views

 124,235 total views Kapanalig, sinasabi ng Cambridge dictionary na ang “CONDUCTOR” ay “Person who directs the performance of musicians or a piece of music especially by

Read More »

Sakramento ng kasal

 146,617 total views

 146,617 total views Mga Kapanalig, paunti raw nang paunti ang mga nagpapakasal sa ating bansa. Iniulat ito noong isang linggo ng Philippine Statistics Authority (o PSA).

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 231,798 total views

 231,798 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 175,644 total views

 175,644 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top