Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magkaisa at manindigan laban sa death penalty.

SHARE THE TRUTH

 529 total views

Umaapela ng suporta at pakikiisa ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on the Laity para sa malaking pagkilos laban sa Death Penalty bill sa University of Santo Tomas grounds sa ika-21 ng Mayo 2017.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – chairman ng kumisyon, mahalagang manindigan ang bawat isa upang maiparating sa pamahalaan ang matinding pagtutol sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Hinimok ng Obispo ang mamamayan na magkaisa para ipaabot sa kasalukuyang administrasyon na palakasin pa ang rehabilitation program para sa mga nagkasala sa lipunan sa halip na isulong ang death penalty bill.

Iginiit ni Bishop Pabillo na ang pagtitipon ay isang opurtunidad upang maipaliwanag sa mas nakararami na hindi solusyon ang Death Penalty sa problema sa kriminalidad at droga ng bansa.

“Mga Kapanalig, mga kaibigan kayo po ay iniimbitahan namin, inaanyayahan namin sa isang malaking pagkilos na gagawin po sa UST Grounds sa May-21 alas-kwatro ng hapon laban sa Death Penalty, tayo po ay manindigan ngayon na sabihin natin sa ating pamahalaan na ang Death Penalty ay hindi ang solusyon sa kriminalidad, sa drug problem ng bayan at kinakailangan natin na ang gumagawa ng masama ay ma-rehabilitate kaysa sa sila ay patawan ng parusang bitay. Kaya sa May 21 araw ng Linggo mayroon po tayong programa sa grounds ng UST Campus at susundan po ito ng interfaith prayer at nang banal na misa mga bansang alas-singko ng hapon, inaanyayahan po kayong lahat na makiisa sa paninindigang itong”.panawagan ni Bishop Pabillo

Ganap na alas-kwatro ng hapon magsisimula ang Intereligious Prayer ng iba’t-ibang relihiyon sa UST Grounds na susundan ng Banal na Misa sa pangunguna ng Simbahang Katolika upang manawagan at ganap na manindigan sa kasagraduhan ng buhay.

Read” Lakbay-Buhay mass laban sa ‘death penalty’, idaraos sa UST

Lumabas sa tala ng Amnesty International na umaabot na sa mahigit 141 mga bansa ang nagbuwag sa kanilang parusang kamatayan dahil sa kabiguan nitong mapababa ang krimen.

Samantala ang naturang pagtitipon ay bahagi ng Lakbay-Buhay March Caravan laban sa Death Penalty na nagsimula noong ika-4 ng Mayo sa Cagayan de Oro na naglalayong himukin ang lahat ng mga mamamayan sa kanilang mga bayan, probinsya at lalawigan na madaraanan na suportahan ang adbokasiya laban sa isinusulong na Death Penalty Bill bago tuluyang magtungo sa Senado at mawagan sa mga Senador.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nasasayang na oras

 59,341 total views

 59,341 total views Mga Kapanalig, ilang oras ang nasasayang ninyo tuwing naiipit kayo sa matinding trapik? Ayon sa TomTom Traffic Index, umabot sa 143 hours—o katumbas

Read More »

Wakasan ang political dynasties!

 77,690 total views

 77,690 total views Mga Kapanalig, sa wakas, tinatalakay na ng Kongreso ang Anti-Political Dynasty Bill! Layunin ng panukalang batas na wakasan ang pamamayagpag ng iilang pamilya

Read More »

Nasaan ang mga “makabayan”?

 95,974 total views

 95,974 total views Mga Kapanalig, may pagbabanta ang China sa mga senador at opisyal ng gobyerno na dumedepensa sa West Philippine Sea.  Sa isang statement na

Read More »

Wala ba talagang due process?

 250,787 total views

 250,787 total views Mga Kapanalig, balik-kulungan si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. Ipinag-utos ng Sandiganbayan ang pansamantalang pagkulong kay dating Senador Revilla kaugnay ng kasong

Read More »

Mas maliwanag na bukas?

 295,234 total views

 295,234 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ng pamahalaan ang makasaysayang pagtuklas ng natural gas sa Malampaya East-1 (o MAE-1) reservoir sa karagatan ng Palawan. Ang MAE-1

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Program Paghilom nagpapasalamat sa Senado

 21,035 total views

 21,035 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Program Paghilom sa ilalim ng Arnold Janssen Kalinga Foundation sa suporta ng Senado sa pagbubukas ng “Lakbay

Read More »
Scroll to Top