26,546 total views
Pagpapahalaga sa edukasyon ng mga kabataan ang susi para makaahon ang Piliipnas sa kahirapan.
Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ,ang tamang edukasyon ay daan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay ang mga kabataan at kanilang pamilya.
Inihayag ng Obispo na matutupad lamang ito kung matitiyak ng mga opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng oprtunidad ang lahat ng mga kabataan sa quality education.
“Give more attention and focus on education. Education is key to success. Education is sure way to better life. See to it that every child can avail themselves to education” pahayag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas
Bukod dito, iginiit ng Obispo na nararapat bumuo ng disente at permanenteng trabaho sa bansa at tuluyan ng wakasan ang ENDO o kontraktuwalisasyon sa bansa.
“Second, create jobs, jobs which are stable, decent and permanent. Implement ENDO.”
At higit sa lahat, binigyan diin ng Obispo ang seryosong paglaban ng pamahalaan sa katiwalian at pagparusa sa mga tiwaling opsiyal.
Sinabi ng Obispo na ang pagnanakaw sa kaban ng bayan ay pagpapakita ng kasakiman ng isang opisyal ng pamahalaan na pumipigil sa pag-angat ng pamumuhay ng sambayanan,
“Lastly, get rid of corruption. And prosecute swiftly and punish severely corrupt officials. Corruption is selfishness. It is stealing. It is grievous sin.”
Iginiit ni Bishop Santos ang tungkulin ng pamahalaan na mabago at mapaunlad ang buhay ng bawat Filipino.
“Our mandate is to improve life, uplift the standard of living, to make them safe and secured in life.”pahayag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas.
Ito ang naging pahayag ng Obispo matapos ang survey ng Social Weather Station na tumaas pa ng 44-porsiyento ang bilang ng mga mahihirap mula 2014 hanggang fourth quarter ng taong 2016 na kumakatawan sa 50-porsiyento ng pamilyang Filipino na may kabuuang 11.5-milyong pamilya.