PPCRV, dismayado sa mababang voter’s registration

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Dismayado ang Parish Pastoral Council for Responsible Voting o P-P-C-R-V sa mababang turn-out ng huling voter’s registration ng Commission on Elections para sa nakatakdang Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa ika-23 ng Oktubre, 2017.

Itinuturing ni Bro. Johnny Cardenas – PPCRV Vice-chairman for Internal Affairs na tanda ng mababang kamalayan at kawalang pagpapahalaga ng mga mamamayan sa kahalagahan ng halalan ang hindi aktibong pakikisangkot ng mga mamamayan sa paghahanda para sa halalang pambarangay.

Paliwanag ni Cardenas, mahalagang sangay ng pamamahala sa bansa ang Barangay dahil ito ang basic unit of government kung saan magkakilala ang mamamayan.

Sa huling voters registration, umaabot lamang sa 2,174,601 ang naitalang voters turn-out ng Commission on Elections mas mababa sa target na 2.5 milyon botante.

Kaugnay nito, ipinaalala ni National Citizens’ Movement for Free Elections o NAMFREL Secretary General Eric Alvia sa pamahalaan at mga mambabatas na magtiwala sa kakayahan ng mga mamamayan na pumili at magluklok ng mga karapat-dapat na lider ng bawat barangay sa Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Alvia na bukas ang isip at kamalayan ng mga mamamayan sa pagpili ng isang tapat na opisyal na walang kaugnayan sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.

“Alam ng mga tao sa lugar kung sinu-sino yung mga tiwali, kung sino yung tumatanggap ng droga, what you have to make sure is that the electoral process is not ransom or captive of these groups or individuals and now this is the opportunity for people to elect the rightful local leaders”.pahayag ni Alvia sa Radio Veritas

Nabatid ng Veritas Research Team na kabuuang 336,288 opisyal ng Barangay ang iboboto ng mga rehistradong botante sa nakatakdang halalan.

Umaasa naman ang Simbahang Katolika na mapapanindigan ng COMELEC ang mandato nito batay sa Republic Act No. 7-1-6-6, na nagtatakda sa Commission on Election para matiyak ang pagkakaroon ng malinis, tapat at payapang eleksyon sa bansa malayo sa kaguluhan at karahasan.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 19,088 total reads

 19,088 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 19,367 total reads

 19,367 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 41,329 total reads

 41,329 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 162,781 total reads

 162,781 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 213,143 total reads

 213,143 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 340,200 total reads

 340,200 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 423,548 total reads

 423,548 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top