Paglikha ng trabaho, gawing mandato ng gobyerno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 995 total reads

Hinimok ni CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People at Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga manggagawa at mga opisyal ng pamahalaan na tularan ang kasipagan at dedikasyon ni San Jose sa trabaho.

Ayon sa Obispo, upang maging produktibo ay dapat tularan ng mga manggagawa ang katangiang itinuturo ni San Jose kabilang na ang pagkukusa, pagiging responsable at hindi pagpapabukas pa ng isang gawain.

“Huwag tayong maging tamad, huwag tayong maging tambay kung saan trabaho pa ang maghahanap sa atin. Tayo na ang kumilos, tayo na ang gumalaw,tayo na ang gumawa upang hanapin, damputin at gawin ang trabaho,” pahayag ni Bishop Santos.

Kasabay nito ay umaapela rin ang Obispo na gawing prayoridad ng pamahalaan ang paglikha ng mas maraming trabaho na sasagot sa pangangailangan ng isang ordinaryong mamamayan gayundin ang panawagang tapusin na ang ENDO o contractualization system sa Pilipinas.

“Panawagan naman natin sa mga namamahala sa atin, na gayahin si San Jose na gawing mandato ng pamahalaan ay to create jobs para sa ating mga Pilipino upang sa ganoon ay hindi na maforce mangibang bansa, trabaho na hindi lamang pansamantala kundi pangmatagalan, marangal at makabubuhay ng pamilya,” giit pa nito.

Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong January 2017, umakyat sa 6.6-percent ang unemployment rate sa bansa, mas mataas kumpara sa 5.7-percent noong nakaraang taon.

Ayon sa Kanyang Kabanalan Francisco, matatamo ng tao ang kanyang minimithi sa pamamagitan ng sipag at determinasyon na sasamahan ng maigting na panalangin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 238,523 total reads

 238,523 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 270,252 total reads

 270,252 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 372,078 total reads

 372,078 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 412,639 total reads

 412,639 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 423,315 total reads

 423,315 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 283,020 total reads

 283,020 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 399,272 total reads

 399,272 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top