232 total views
Pinuri ng Center for Migrant Advocacy Philippines ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) na nakapag-aambag ng malaking tulong sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Ellene Sana, Executive Director ng grupo, nararapat na bigyang-pagkilala ang sakripisyo at kontribusyon ng mga O-F-W hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa bansa na kanilang pinagtatrabahuhan.
Bukod sa pagkilala sa kanilang kabayanihan, iginiit ni Sana sa pamahalaan na pangalagaan ang karapatan ng mga OF-W- gayundin ang pagbibigay ng suporta sa kanilang pamilya.
Sa tala ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2016, tumaas pa ng 5-porsiyento ang OFW cash remittance na umabot sa $26.9 billion dollars kumpara sa $25.61 -billion dollars noong 2015.
Una nang pinuri CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mga O-F-W sa kanilang malaking bahagi sa pagtamo ng bansa ng isang malagong ekonomiya.