20,398 total views
Ito ang mensahe ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Palm Sunday mass sa Manila cathedral.
Ang linggo ng palaspas ay ikalimang linggo ng paghahanda ng Simbahan para sa pagdiriwang ng pasko ng pagpapakasakit at pagkabuhay ng Panginoong Hesus.
Mensahe ni Cardinal Tagle, ang tunay na Hesus ay pagtanggap sa presensiya ng mga dukha, mga minamaliit sa lipunan dahil sila ay mayroong dangal na nagmumula sa isang tunay na Diyos.
mensahe ng Kardinal ang pagtanggap sa tunay na Hesus ay pagtanggap sa kaniyang presensiya sa mga dukha, sa mga dnuduraan ng lipunan, sa mga iniinsulto sa ating mundo, sa mga taong tahimik lamang kahit sila ay sinasampal, pero sila’y may dangal dahil Diyos ang may batid ng katotohanan.
Inihayag ng Kardinal na malaking hamon sa ating mga mananampalataya kung paano natin ba gustong tanggapin ang anak ng Diyos.
Inihalimbawa ni Cardinal Tagle ang panahon ni Hesus na hindi matanggap ng mga tao dahil ordinaryo at hindi mukhang makapangyarihan.
“Kaya ang tanong sa atin, talaga bang tinatanggap natin si Hesus? Anong Hesus ang ating tinatanggap?Kaya ba nating tanggapin ang sugo ng Diyos na hindi mukhang Diyos. Kaya ba nating tanggapin ang sugo ng Diyos na hindi nagniningning na hindi mukhang mayabang, hindi mukhang makapangyarihan kundi mukhang ordinaryo at mukhang puno ng dura .”mensahe ni Cardinal Tagle
Ipinaunawa ni Cardinal Tagle na ang hinahanap nating Diyos ay inaalis ang lahat ng problema, lahat dusa at kondisyon ng tao.
Kasabay nito, hinikayat ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya na palalimin ang pagkilala kay Hesus sa linggo ng palaspas.
“Tayo ay hinatid niya sa pagsimula ng semana santa, mga mahal na araw, ito ay isang paglalakbay para samahan si Hesus tungo sa bagong buhay, kaya napakahalaga na lumalim muli ang ating pagkilala kay Hesus . “paalala ni Cardinal Tagle
Ang linggo ng palaspas ang simula ng mahal na araw, ang pag-alala sa matagumpay na pagdating ni Hesus sa Jerusalem, ilang araw bago siya ipako sa krus upang iligtas ang sanlibutan.
Ang linggo ng palaspas ay sumisimbolo sa kapayapaan at pagtatagumpay.