Trafficking of person, kinondena ng Diocese of Antipolo

SHARE THE TRUTH

 35,939 total views

Nagpahayag ng mariing pagkundena ang Obispo ng Diyosesis ng Antipolo laban sa human trafficking of persons matapos ang kasong kinakaharap ng isang pari ng diocese.

Ayon kay Bishop De Leon, seryoso ang kasong kinakaharap ni Monsignor Arnel Lagarejos na trafficking of minor.

Kasabay nito, ipinarating ng Obispo ang kanyang pakikisimpatya sa batang sinasabing biktima ng pari at sa mga magulang nito.

Nilinaw ni Bishop De Leon na batay sa protocol at alituntunin ng Simbahan at ng Catholic Bishops Conference of the Philippines o C-B-C-P na dahil sa kasong kinakaharap ay inaalisan ng lahat ng kanyang pastoral works at assignments ang pari.

Iginiit din ng Obispo ang pagbabawal sa akusadong pari na magkaroon ng anumang komunikasyon sa mga menor-de-edad at tanging sa kanyang abogado at mga kasamahang pari lamang maaring makipag-usap.

Tiniyak naman ni Bishop De Leon ang kahandaan ng Diocese na magbigay ng counseling at psychological services sa batang biktima.

Naninindigan ang Obispo na kailanman ay hindi kokonsintihin ng diyosesis ang anumang gawaing human trafficking lalu na at sangkot ay menor de edad.

Hindi rin papanigan ng Diocese of Antipolo ang mga nakagawa nito sa paglilitis kung mayroong sapat na ebidensiya laban sa nasasangkot.

At sa huli, umaasa ang Obispo na tularin natin si Hesus na kailanman hindi sumuko sa mga makasalanan.

Hiniling naman ni Bishop De Leon sa mananampalataya na bilang isang diyosesis ay ipanalangin ang pagbabago at pananatiling matapat ng mga pari at layko lalo na ang kagalingan para sa bata at sa kanyang buong pamilya.

Read: Statement of the Diocese of Antipolo

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 9,857 total views

 9,857 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 24,501 total views

 24,501 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 38,803 total views

 38,803 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 55,564 total views

 55,564 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 101,906 total views

 101,906 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Riza Mendoza

STAND UP FOR THE NEWBORN JESUS!

 38,606 total views

 38,606 total views Message of Archbishop Socrates B Villegas to the People of God in the Archdiocese of Lingayen Dagupan on the occasion of Christmas December

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

BAYAN GUMISING!

 38,616 total views

 38,616 total views Homily delivered by Archbishop Socrates B Villegas at the Cathedral of Saint John the Evangelist Dagupan City on September 21, 2017 at 12noon

Read More »
Cultural
Riza Mendoza

WHEN HEAVEN WEPT

 38,617 total views

 38,617 total views English Translation of the Homily at the Funeral Mass for Kian Lloyd De los Santos Gospel: John 3:16ff. By Bishop Pablo Virgilio S.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top