Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang tunay na kabayanihan sa panahon ng krisis

SHARE THE TRUTH

 252 total views

Mga Kapanalig, sa krisis raw lumilitaw ang kabayanihan nating mga Pilipino.

May kabayanihang ipinamamalas ang maraming nadamay at dumaramay sa kasalukuyang krisis sa Marawi. Naroon ang mga Muslim na kumupkop sa mga Kristiyano at tinulungan silang makatakas. Naroon ang mga Muslim at Kristiyanong nagsasanib-pwersa upang maghatid ng pagkain, damit, at ibang pangangailangan sa mga bakwit. Naroon ang mga sundalo nating gumagalang sa batas at karapatang pantao habang ipinagtatanggol ang taumbayan. Naroon ang mga nananawagang itigil ang mga airstrike na nakapipinsala sa lungsod at mamamayan ng Marawi, kahit batikusin sila at siraang-puri ng mga nagbabansag sa kanilang maka-terorista. Naroon ang apat na babaeng taga-Marawi na nagsampa sa Korte Suprema ng petisyong kumukuwestiyon sa kasapatan ng dahilan ng pagsasailalim sa batas militar ng buong Mindanao. Sa gitna ng pag-aalala sa kanilang pamilya at lungsod, nagawa nilang alalahaning huwag magamit na dahilan ang krisis sa Marawi upang ibalik ang maladiktadurang pamamalakad ng pamahalaan. Mga bayani silang lahat.

Ngunit, mga Kapanalig, sa krisis rin lumilitaw ang kumikilos ayon sa masasamang hangarin. Hindi lamang mga terorista ang mga huwad na bayani.

Naroon ang pulis at sundalong diumano’y pumapasok nang walang warrant sa bahay-bahay at sinisira, kung hindi ninanakawan, ang mga ito, ayon na rin sa reklamo ng Integrated Bar of the Philippines sa Lanao del Sur. Hindi po pinahihintulutan ng batas militar ang ganitong pang-aabuso.

Naroon ang nanggagatong sa galit laban sa mga Muslim—halimbawa, sa pagkakalat ng video na nagpapakitang winawasak ng mga kasapi ng Maute group ang katedral ng Marawi, lalo pa kung may kasama itong maaanghang na komento. Kahit hindi fake news ang video na ito, propaganda naman ito ng Maute at ISIS. Hindi kabayanihan ang pagkakalat nito, kundi pakikipagkutsaba sa kalaban upang lalo silang katakutan.

Naroon ang nagsasabing dapat lang na magdusa ang mga taga-Marawi dahil kinupkop nila o pinamihasa ang Maute group. Mayroon ding naninira o nagbabanta sa mga tumutulong o nagtatanggol sa mga taga-Marawi. Halimbawa, isang nag-aastang bayani ang nag-post sa Facebook na pinakamimithi niyang makitang gahasain ng Maute ang isang senadorang nanawagan sa pagtigil ng airstrike. Kabayanihan kaya ang ganyang pananalita?

Naroon ang nagnanais samantalahin ang krisis sa Marawi upang maibalik ang diktadura sa buong Pilipinas. Ito ang mga nagsasabing maaaring gawin ngayon ng mga sundalo ang lahat ng ginawa sa rehimeng Marcos. Mabuti na lamang at may mga pananggalang ang ating Saligang Batas laban sa paggamit ng batas militar upang manumbalik ang diktadura.

Mga Kapanalig, maaaring maging batayan ng kabayanihan ang ilang prinsipyong panlipunan ng Simbahang Katoliko.

Una, karapatang pantao at pakikiisa sa kapwa. Kung nakasisira tayo sa dangal ng tao at nagkakalat ng pagkapoot sa mga Muslim, hindi iyan kabayanihan.

Pangalawa, katarungang panlipunan. Kung pinapalakpakan natin ang mga solusyong nagpapahirap sa mga Muslim para sa kasalanan ng iilan, hindi iyan kabayanihan.

Pangatlo, kapayapaan at pagtanggi sa karahasan. Kung sinusuportahan natin ang karahasan bilang tanging sagot sa karahasan, hindi iyan kabayanihan.

Pang-apat, pagpapalakas sa demokratikong kapangyarihan ng taumbayan. Kung sinusuportahan natin ang mga solusyong nakapagpapahina rito, hindi iyan kabayanihan.

Mga Kapanalig, itatwa natin ang huwad na kabayanihan. Tulungan at ipagtanggol natin ang nagdurusa, anuman ang kanilang relihiyon. Suportahan natin ang makatarungang solusyong lulutas sa ugat ng hidwaan—halimbawa, isang komprehensibong batas para sa pakikilahok at pag-unlad ng mga kapatid nating Muslim. Lumikha tayo ng solusyong nakasalalay hindi sa karahasan kundi sa pakikipagkapwa. Tangkilikin natin ang solusyong nakapagpapalakas sa halip na nakapagpapahina sa kapangyarihan ng taumbayan. Maging mapagmatyag tayo laban sa nagnanais gamitin ang kasaluyang krisis upang maisulong ang makadiktadurang adyenda.

Ipagdasal natin ang ating sambayanan, upang lumitaw sa krisis na ito ang tunay na kabayanihan.

Sumainyo ang katotohanan.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

KOOPERATIBA

 18,416 total views

 18,416 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »

NCIP

 24,387 total views

 24,387 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »

FAMILY BUSINESS

 28,570 total views

 28,570 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 37,853 total views

 37,853 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »

Hindi sapat ang kasikatan

 45,189 total views

 45,189 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

KOOPERATIBA

 18,417 total views

 18,417 total views Ngayong October 2024, ipinagdiriwang sa Pilipinas ang National Cooperative month. Pagkilala ito sa napakalaking kontribusyon sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Article 12 ng 1987 Philippine constitution ay kinikilala ang kooperatiba na modelo sa paglago o pag-unlad sa ekonomiya ng Pilipinas. Sa pinakabagong datos ng Cooperative Development of the Philippines o CDA, umabot

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

NCIP

 24,388 total views

 24,388 total views Ano ang mandate ng National Commission on Indigenous Peoples? The NCIP shall protect and promote the interest and well-being of the Indigenous Cultural Communities?Indigenous Peoples with due regard to their beliefs,customs,traditions and institutions. Sa culminations ng seasons of creation at national launching ng Indigenous Peoples month 2024 nitong buwan ng Oktubre, iginiit ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

FAMILY BUSINESS

 28,571 total views

 28,571 total views Kapanalig, ito ang nakakalungkot na katotohanan sa political system sa Pilipinas. Sa Pilipinas, napakahirap ang pagnenegosyo… dadaan ka sa matinding “red tape”, mula sa paghahain ng business permit, license at pagpapa-rehistro sa Securities and Exchange Commission. Taon ang ginugugol sa proseso ng pagnenegosyo sa Pilipinas bago mabigyan ng lisensiya ang isang ordinaryong mamamayan..mahabang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Walang kapatirang mapatutunayan ng karahasan

 37,854 total views

 37,854 total views Mga Kapanalig, sampung upperclassmen ni Horacio “Atio” Castillo III sa fraternity na Aegis Juris ang hinatulang guilty sa paglabag sa Anti-Hazing Act of 1995. Sinintensyahan sila ng habambuhay na pagkakagulong at pinagbabayad ng danyos sa pamilya ng biktima. Karaniwang initiation rite o tradisyong pinagdaraanan ng mga nais sumapi sa mga samahan ang hazing.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang kasikatan

 45,190 total views

 45,190 total views Mga Kapanalig, ngayong araw, ika-8 ng Oktubre, ang huling araw ng filing of certificate of candidacy (o COC) ng mga tatakbo sa halalan sa susunod na taon. Nagsimula ang pagtanggap ng COMELEC ng mga COC noong unang araw ng buwang ito. May napupusuan na ba kayo sa mga nais maging senador? Sa mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Deserve ng ating mga teachers

 46,357 total views

 46,357 total views Mga Kapanalig, bago matapos ang National Teacher’s Month noong Sabado, ika-5 ng Oktubre, na kasabay din ng World Teachers’ Day, may regalong ibinigay ang Department of Education (o DepEd) sa ating mga pampublikong guro. Sa bisa ng DepEd Order No. 13, maaari nang bigyan ang mga public school teachers ng hanggang 30 vacation

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Makinig bago mag-react

 96,665 total views

 96,665 total views Mga Kapanalig, nag-trending sa social media noong nakaraang linggo ang isang video kung saan makikitang nagkainitan sina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Juan Miguel Zubiri habang naka-break ang sesyon nila. Makikita sa video ang kanilang sagutan at murahan, na muntikan nang umabot sa pisikalan. Ang kanilang pag-aaway ay kaugnay ng sampung Embo

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga mandaragat

 106,133 total views

 106,133 total views Mga Kapanalig, ayon sa Mga Awit 107:23-24, “Mayroong naglayag na lulan ng barko sa hangad maglakbay, ang tanging layunin kaya naglalayag, upang mangalakal. Nasaksihan nila ang kapangyarihan ni Yahweh, ang kahanga-hangang ginawa ni Yahweh na hindi maarok..” Ang salmong nabanggit ay malapít sa mga seafarers at masasabing mapalad sila dahil nakikita nila ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Interesado pa ba ang bise-presidente?

 77,553 total views

 77,553 total views Mga Kapanalig, dahil sa hindi pagsipot ni Vice President Sara Duterte sa deliberasyon ng inihahaing badyet ng kanyang opisina, mukhang hindi na raw interesado ang pangalawang pangulo sa kanyang trabaho. Dahil dito, baka pwede niyang ikonsiderang bumaba na lang sa puwesto. Iyan ang opinyon ni House Deputy Speaker at kinatawan ng ikalawang distrito

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

18,271 positions

 83,812 total views

 83,812 total views Kapanalig, 18,271 positions sa pamahalaan ang pag-aagawan at paglalabanan ng mga kandidatong tatakbo sa 2025 Midterm elections na itinakda ng Commission on Elections (COMELEC) sa ika-12 ng Mayo 2025. Kinabibilangan ito ng 12-bagong Senador, 254 congressional district representatives; 63 party-list representatives;82-governors; 82 vice governors; 792 provincial board members;149 city mayors, city vice mayors.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Iligtas ang mga bata

 98,129 total views

 98,129 total views Mga Kapanalig, emosyonal na inamin ni Pangulong BBM na kulang pa rin ang ginagawa ng gobyerno para tuldukan ang sekswal na pang-aabuso sa mga bata, lalo na sa online.  Gusto nating isiping sinsero ang pangulo dahil ama rin siyang may mga anak. “An overwhelming sense of shame” o napakalaking kahihiyan daw ang hayaang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaya ng mga pinatay na magulang at kanilang naulila

 83,496 total views

 83,496 total views Mga Kapanalig, sa Mga Kawikaan 26:27, mababasa natin ito: “Ang nag-uumang ng bitag ay siya ring mahuhuli roon. Ang nagpapagulong ng bato ang siyang tatamaan niyon.” Hindi bahagi ng pananampalatayang Kristiyano ang tinatawag sa ibang paniniwala na karma. Ang alam natin, gaya ng ipinahihiwatig ng binasa nating teksto mula sa Mga Kawikaan, ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Serbisyo, hindi utang na loob

 71,087 total views

 71,087 total views Mga Kapanalig, sa kanyang birthday noong ika-13 ng Setyembre, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos Jr na naglaan ang kanyang opisina ng mahigit 300 milyong pisong pondo para gawing libre ang mga serbisyo sa mga pampublikong tertiary hospitals. Dito sa Metro Manila, isa sa mga ospital na ito ang Philippine General Hospital o PGH,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tao ang sentro ng trabaho

 83,689 total views

 83,689 total views Mga Kapanalig, kayo ba ay manggagawa o empleyado? Tuwing malakas ang ulan, bumabagyo, o bumabaha sa mga daanan, naiisip rin ba ninyong sana, katulad ng mga estudyante, wala rin kayong pasok sa inyong pinagtatrabahuhan? Noong kasagsagan ng uláng dala ng Bagyong Enteng at ng hinila nitong habagat, may isang netizen na nagsabing “’pag

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Katarungan para sa mga katutubo ng Bugsuk

 79,002 total views

 79,002 total views Mga Kapanalig, may panawagan si Ka Jomly Callon, lider ng tribong Molbog mula sa Bugsuk Island sa bayan ng Balabac sa Palawan: “Ang kalaban po namin dambuhala, e kami po, mga katutubo lang. Sana po maging patas po ang gobyerno para sa amin.” Itinuturing ang ilang bahagi ng Bugsuk na lupaing ninuno o

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top