Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa NEDA

SHARE THE TRUTH

 519 total views

Mga Kapanalig, noong nakaraang linggo, ibinalita ng National Economic and Development Authority o NEDA na lumago nang 6.8 percent ang ekonomiya ng bansa sa taóng 2016. Pagmamalaki ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia, pasók ito sa target ng pamahalaan na 6 hanggang 7 porsyentong paglago ng gross domestic product o GDP. (Ang GDP ay tumutukoy sa halaga ng lahat ng produkto at serbisyong ginawa sa loob ng isang takdang panahon sa loob ng bansa. Para mas madaling matandaan, ang GDP ay tumutukoy sa mga “Gawâ Dito sa Pilipinas.”)
Balik tayo sa magandang balita ng NEDA: Ang naitala nating GDP growth rate noong 2016 ang sinasabing pinakamabilis na paglago ng ekonomiya na naitala sa Asya noong 2016. Hindi man niya lantarang kinilala ang pagsisikap ng nakaraang administrsayon, ibinida din ni Secretary Pernia na mula noong 2010, umaangat ang ekonomiya ng bansa ng 6.3 percent taun-taon. Ito na raw ang pinakamasiglang yugto sa ating ekonomiya sa loob ng 40 taon.

Kaya naman naniniwala rin ang NEDA na posibleng maabot ng bansa ang GDP growth rate na mula 6.5 hanggang 7.5 porsyento na siyang target ng ahensya para sa taóng kasalukuyan. At kung patuloy ang pagiging masigla ng ating ekonomiya sa susunod na anim na taon, bababa daw ang poverty incidence o ang porsyento ng ating populasyon na maituturing na mahirap. Mula 21.6 percent noong 2015, maaaring bumaba ang poevrty incidence hanggang 14 percent sa 2022. Naniniwala ang NEDA na hahanguin ng maunlad na ekonomiya ang anim na milyong Pilipino mula sa kahirapan.
Hindi naman puro magagandang balita ang ipinahayag ng NEDA noong isang linggo. Halimbawa, kahit na nakapag-ambag nang malaki sa ekonomiya ng bansa noong nakalipas na taon ang services sector (gaya ng transportasyon at komunikasyon) at ang industrial sector (gaya ng pagmimina, manufacturing, at construction), bumagsak pa lalo ang ambag ng agricultural sector sa ating ekonomiya. Negative ang growth rate kung pagsasama-samahin ang halaga ng mga ani ng ating mga magsasaka at mangingisda. Higit pa raw nakakabagabag ang patuloy na pagbagsak ng produksyon ng pangisdaan sa nakalipas na pitong sunud-sunod na taon (maliban na lamang noong 2013). Ito raw ay epekto ng mga bagyong “Karen” at “Lawin” noong huling bahagi ng 2016. Gayunpaman, umaasa si Secretary Pernia na makatutugon ang sektor ng pagsasaka, hindi lang sa mga bagyong darating sa bansa, kundi kahit na sa malaking hamong dulot ng pagbabago sa klima tulad ng El Niño.

Nakalulungkot, mga Kapanalig, na sa likod ng maunlad na ekonomiya ng bansa sa loob ng pitong taon ay ang patuloy na paghina ng sektor ng agrikultura. Kung walang naiaambag ang isang sektor ng lipunan sa ekonomiya, wala rin itong kita. Kaya nga’t hindi nakakagulat malaman na kabilang ang mga magsasaka at mangingisda sa mga pinakamahihirap na sektor ng ating populasyon. Kung nais talagang bigyang pansin ng pamahalaan ang pag-unlad ng lahat ng sektor ng bansa, sana ay mabigyang-pansin din ang kabuhayan ng mga kapatid nating magsasaka at mangingisda. Higit silang nangangailangan, lalo na’t patuloy ang pagpasok ng mga gulay, prutas, at isdang mula sa ibang bansa.

Ito ang turong ipinapaalala sa atin ng Simbahan: Ang tunay na pag-unlad ng bansa ay hindi lamang mababatay sa paglago ng ekonomiya. Isinasaalang-alang din dapat nito ang kapakanan ng lahat ng tao, lalo na ang mga mahihirap. Ang tunay na kaunlaran ay walang iniiwan.

Sa pagtatapos ng pahayag ni Secretary Pernia, sinabi niya na sa susunod na buwan, ilulunsad na ang Philippine Development Plan o PDP para sa 2017 hanggang 2020. Nakapaloob dito ang plano ng pamahalaan upang makamit ng lahat ang isang “matatag, maginhawa at panatag na buhay” para sa mga Pilipino. Harinawa, maisakatuparan ang lahat ng kanilang mga plano lalo na para sa mga magsasaka at mangigisda.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 33,754 total views

 33,754 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 41,235 total views

 41,235 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 54,375 total views

 54,375 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 60,348 total views

 60,348 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 66,100 total views

 66,100 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

‘Buwis-buhay’ para sa mga PWD

 33,755 total views

 33,755 total views Mga Kapanalig, nag-viral ang PWD ramp sa isang istasyon ng EDSA Busway sa Quezon City. Sa inauguration na ginawa ng Department of Transportation at Metropolitan Manila Development Authority (o MMDA), maraming nakapansing tila masyadong matarik at madulas ang bagong rampa  para mga persons with disability (o PWD). Batay sa Batas Pambansa (o BP)

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 41,236 total views

 41,236 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 54,376 total views

 54,376 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 60,349 total views

 60,349 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 66,101 total views

 66,101 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 42,451 total views

 42,451 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 43,535 total views

 43,535 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 38,916 total views

 38,916 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 50,920 total views

 50,920 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 58,962 total views

 58,962 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 50,519 total views

 50,519 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 48,944 total views

 48,944 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 50,730 total views

 50,730 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 47,655 total views

 47,655 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 61,969 total views

 61,969 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top