192 total views
Takot pa rin ang umiiral sa ilang taga Simbahan kaugnay ng ipatutupad na internal cleansing ng Philippine National Police (PNP) sa kanilang hanay.
Umaasa si Fr. Amado Picardal, executive secretary ng CBCP Basic Ecclesial Communities na susunod sa batas ang mga pulis na magsasagawa ng paglilinis.
Natatakot ang pari na baka gawin naman ang extrajudicial killings sa mga pulis na mapapatunayang sangkot sa drugs at iba pang katiwalian gaya ng ginawa nila sa Oplan Tokhang.
“I hope they will follow the law, ang due process. I am worried gagamitin naman nila ang EJK sa mga pulis na suspected sa drugs at corruption, dapat internal cleansing na ayon sa batas. Dapat reporma ang kailangan o kaya i-dismiss ang mga corrupt, or they have to be imprisoned, I-charge at hindi dapat patayin, dapat ganyan.” pahayag ni Fr. Picardal sa panayam ng Radio Veritas.
Una na ring nagalak ang pari sa suspensyon pansamantala sa war on drugs ng administrasyong Duterte upang gawin naman ang war on scalawag cops.