Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,165 total reads

Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity bilang paghahanda na rin sa ika-75 anibersaryo nito sa susunod na taon.

Ayon kay Padilla,puspusang isusulong ng SLP ang pagpukaw sa kamalayan ng mga layko sa mahalagang papel na kanilang ginagampanan hindi lamang sa Simbahan kundi maging sa lipunan.
Sinabi ni Padilla na sa nalalapit na pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay layunin nitong higit na maisakatuparan ang mandato nitong gabayan ang bawat binyagan na magkaroon ng tapang at paninindigan sa iba’t ibang usaping panlipunan.

“Next year is the 75th year of LAIKO… and one of the things that we want to celebrate when we celebrate our 75th year next year is to really be able to say that the laity of the church are empowered, that the laity of the church are active, they keep saying that laity is a sleeping giant, that we are quiet and we don’t do anything. So one of our goals of the LAIKO this year until next year is to really awaken the laity, to make us have a voice, to make us really serve the church in whatever capacity we can do.” Bahagi ng pahayag ni Padilla.

Tinututukan ng Sangguniang Laiko sa Pilipinas ang pagtutol at pagbabantay sa mga isinusulong na DEATH Bills partikular na ang pagsasabatas ng same sex marriage, aborsyon at diborsyo sa Pilipinas.

Isinagawa din ng SLP noong June 20, 2024 ang KAPASAN – Simbahan para sa May Kapansanan ‘PWD and Faith – Simbahan para sa lahat Workshop’ na naglalayong bigyang halaga ang pagiging kasapi ng mga may kapansanan sa lipunan at matugunan ang kanilang pangangailangan.

Ang mga layko ay ang mga binyagan na hindi naordinahan o kabilang sa mga religious congregation na tinatayang bumubuo sa 99.99% ng mga Katoliko sa buong bansa.

Ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas ay ang nagsisilbing implementing-arm ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity na binubuo ng higit sa 50-organisasyon ng Simbahan at mga council of the laity mula sa 86 na diyosesis at arkidiyosesis sa buong bansa na kasalukuyang pinamumunuan ni Dipolog Bishop Severo Caermare.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 29,413 total reads

 29,413 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 95,471 total reads

 95,471 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 114,775 total reads

 114,775 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Paghilom ng ozone layer

 193,162 total reads

 193,162 total reads Mga Kapanalig, break muna tayo sa mga bad news. Pag-usapan naman natin ang isang magandang balita sa usapin ng klima. Naaalala ba ninyo

Read More »

Pagnanakaw sa kabataan

 235,981 total reads

 235,981 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top